V | Holding hands

2.3K 85 1
                                        

Ruben Diced

"Ingat kayo dun ah!" Pahabol na bilin ni nanay na kanina pang kinakabahan sa fieldtrip namin.

Bina-baby kasi nila ako dito sa bahay. One time, pumunta ako sa mall na malapit lang samin, tapos nung kinuwento ko sa mga magulang ko ay halos ibaon na nila ako sa lupa sa sobrang dami ng sermon. Grabe diba? Swerte ko nga at hindi na sila umangal dito sa fieldtrip na 'to. Balak pa nga magpadala ng chaperone si papa para bantayan ako eh. Ang awkward nun kung sakaling mangyari man yon.

Paglabas ko ng subdivision ay napakatahimik na kalsada ang bumungad sa akin, kasama na rin ang malamig na simoy ng hanin na tumatama sa mukha ko. Well, 4:20 AM palang po ano.

Ang sabi daw, yung bus is maghihintay doon sa kalsada na katapat ng sakayan diyan sa kabilang subdivision. Kaya agad naman akong nagsimulang maglakad. Hindi ko mapigilang manginig. Pucha sobrang lamig pala.

Pagdating ko doon ay may dalawang bus ang nakaabang. Pumunta naman agad ako sa principal na nagche-check ng attendance.

"Sir, saang bus ako?" Tanong ko sa principal namin. Tumingin ito sa akin. Sinabi naman nito na Bus 2 ako kaya naman agad na akong pumasok. Dahil naka-backpack ako at may dala akong duffel bag, nilagay ko yung duffel bag sa compartment at umupo na.

Ilang minuto lang din, may tumapik sa balikat ko. Napatingin ako at si Finch yon.

Agad naman akong umusog at pumuwesto sa bintana. Maya-maya din, nang kumpleto na kaming lahat, nagsimula ng umandar yung bus.

One fact, mahiluhin ako sa byahe. Lalo na't pag nagce-cellphone ako habang naandar yung sasakyan, hilo to the max!

Kaya naman, nagpahid lang ako ng Vicks sa magkabilang part ng ulo ko, nagsalpak lang ako ng headset then natulog na ako. Buti nga't hindi nag-ingay si Finch eh.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Naalimpungatan ako. Paggising ko ay nakahinto ang bus, ngunit walang estudyante ang lumabas. Napatingin ako sa katabi ko at napansin ko agad na nakasandal pala ako kay Finch.

Kaya agad naman ako tumunghay at tinignan si Finch, tulog siya. Out of the blue, napatingi ako sa katapat naming upuan.

Nandoon si Vincent. At nakatingin siya sa akin. Agad namang bumilis yung tibok ng puso ko kaya agad naman akong umiwas ng tingin.

Bakit siya nakatingin sa akin? Baka nagseselos siy—no. Napaka-imposible. Mamamatay na lahat-lahat bago siya magselos. And duh! Wala namang kami eh! Pero sana meron. Sad.

Nakita kong dumilat ang mata ni Finch at tumingin sa akin. Ngumiti siya at kitang-kita ko yung braces niya. Saka ko lang napansin na chinito pala itong nilalang na 'to. Tignan mo naman, nawala na yung mata sa pag-ngiti niya.

Rinig kong nagsalita yung principal namin, na nagsasabing nandito na kami. Kaya naman bumaba agad ako.

Pagbaba ko, bumungad sa akin ang tahimik na kalsada at ang gilid ay napapalibutan ng malalaking puno. Kahit pa ganoon ang lugar ay hindi parin nakatakas sa pandinig ko ang mga mahihinang "Wow" nila.

"Okay listen up!" Sigaw ng kung sino man. Napalingon kami kung sino iyon, mukhang hindi taga-school namin. Siguro eto yung magiging instructor namin.

"So dahil may pair na kayo, lahat kayo ay bibigyan ng mapa. The map shows a way to reach the campsite," pagbigay ng instruction nito. Yung iba ay nagrereklamo dahil sa malilito pa sila bago makarating doon. Habang yung iba naman ay tila-naexcite, adventure daw eh.

Lahat kami ay binigyan ng mapa at nagsimula ng tahakin ang masukal na gubat. Si Finch ay tahimik lang na nakasunod sa akin. Ewan ko ba, kanina pa 'to tahimik. Simula nung pagdating niya hanggang ngayon.

Hahang sinusundan namin ang mapa ay napatingin ako sa bottom right nito. HALA SHET! BALIKTAD YUNG MAP!

"Oh bakit?" Rinig kong tanong ni Finch.

"Yung map. Baliktad!"

Narinig ko ang pagtawa ni Finch. Sinamaan ko naman siya ng tingin, ngunit ginulo niya lang ang buhok ko.

"Hayyy, yung word sadyang baliktad. Ganyan yung logo nila. Kaya nga Upside Down Camp eh. Hayyy, kung 'di ka lang cute eh," sambit niya at tumawa ulit.

"Duh, I know I'm cute. Ugh, stop complimenting me," pagyayabang ko sabay nakisabay sa tawa niya.

"Yeah, yeah," usal niya at sinunod namin ulit yung map. Maya-maya din ay unti-unti ko nang natatanaw ang malaking bonfire.

Out of the blue, inabot ko ang kamay ni Finch at agad siyang hinila papunta sa campsite. Pagdating namin doon ay nandoon na din sila. Agad ko din namang nakita sila Claire at—

Mayroon nanaman silang mapanuksong tingin at ngiti.

Saka ko lang narealize na kanina ko pa hawak yung kamay ni Finch. Partida, naka-intertwine pa. Nakita ko naman ang ngiting pinipigilan ni Finch at namumula ang kaniyang mukha. Baka siguro dahil sa init ng nagagawa ng bonfire, or baka naman dahil sa maputi lang siya. Ah basta!

"Anong ngini-ngiti mo diyan?" Tanong ko kay Finch na sumuko na sa pagpipigil at ngayo'y labas na labas ang nagmumunting braces niya.

"Wala ah," sabi niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay at dumiretso na sa mga kaibigan ko.

Vincent ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon