Ruben Diced
Mini heart attack. Yan ang dinadanas ko ngayon. Grabe guys! Guess what?!
NAGKAROON KAMI NG MAAYOS NA CONVERSATION NI VINCENT! GOSH!
I mean, hindi naman siya ganoon kahaba pero ang lakas ng impact sa akin nun. Grabe yung kilig ko, lagpas bunbunan ko guys.
Well, kinamusta ko lang naman siya tapos simpling replies and such then end of our convo na!
Kaya heto ako ngayon at parang tangang ngingiti-ngiti ng walang dahilan. Buti nga't recess ngayon at busy yung mga classmate ko sa pagkain nila. Baka mamaya mapansin pa nila akong nakangiti tapos maiintriga sila—
"Hoy Ruben! Ba't ka ngumingiti diyan?" Usisa agad ni Marco habang kumakain ng kwek-kwek.
"Ha? Hindi ah," pag tanggi ko naman kahit halata na. Hindi ko kasi mapigilan!
"Anong hindi? Halatang halata oh! Bakit? Ano ba yan?" Tanong niya pero hindi ako sumagot.
Ngumisi siya. "Or... SINO ba yan?" Tanong niya muli at napatingin ako sa kaniya.
"Wala nga! Kulit naman neto," pag-iwas ko sa mga tanong niya. Mausisa din 'to si Marco eh. Pero okay lang, sanay naman na kami. Siyempre as a friend naman kasi, may part din na kailangan niyang malaman.
"Hmp, bahala ka diyan," sambit niya at tinuloy ang paglamon niya sa pagkain niya.
Ako naman ay tuluyan nang inubos yung tubig na binili ko. Wala naman akong biniling pagkain. Tubig lang, sapat na. Tapos sabayan mo pa ng pakilig ni Vincent kagabi. Ay hayahay!
Nang tumunog yung bleachers na katabi ko, ibinaling ko ang tingin ko doon at nakita si Finch. Ewan ko ba, walang araw na hindi ito nalapit sa akin. As in! Lagi-lagi siyang nalapit sa akin tapos makikipag-kwnetuhan or whatsoever. AND TAKE NOTE! NAGYABANG NA SIYA SA AKIN! Oo! Nagkwento siya sa akin about sa "achievements" niya daw sa buhay. And I regret that time. ONLY, THAT TIME. Kasi pag nagku-kwento siya, yung mga kung ano-ano lang na nakakapag-lighten ng atmosphere na namamagitan sa amin. Kaya okay lang sa akin kung lapit-lapitan niya ako kasi wala namang harm sa akin yun.
"Free ka ba mamaya?" Tanong ni Finch.
"Hmm, wala naman akong gagawin mamaya. Sige."
"Gala tayo," anyaya niya.
"Sige lang," Pag sang-ayon ko. Kahit papaano, mahilig ako sa mga galaan na yan. Kasi para sa akin, yung mga gala-gala na yan, nagpapatibay din yan ng pagkakaibigan namin. Tine-test kung hanggang saan aabot yung friendship namin. Kasi baka mamaya pag gumala kami, may makikidnap pala sa amin tapos doon mati-test ang pagkaka-ibigan namin lahat.
Nakita ko namang ngumiti si Finch pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin. Nananahimik nalang ako dito sa bleachers ng mag bigay ng signal sa amin yung teacher namin na umakyat na. Ganun lagi sa amin, yung teacher namin nagbibigay ng signal kung aakyat na papunta sa classroom.
Pag-akyat namin sa classroom ay nagsimula din ang klase.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"UBEEE! Nandiyan na yung sinasabi mo!" Dinig kong sigaw ni nanay mula sa baba.
Bago pa ako pumanhik pababa, tinignan ko muli yung sarili ko sa salamin. Nakasuot lang naman ako ng yellow and white striped na sweatshirt tapos naka jeans lang tapos shoes.
Dumiretso na ako pababa at nagpaalam na kayla nanay. Saktong pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Finch. Oh my gosh, bakit ang gwapo niya?
Okay I'll admit that, gwapo naman talaga siya.
Pinasadahan ko ng tingin yung suot niya. Naka shortsleeve polo siya tapos naka jeans din with matching topsider. Ang nagpa-gwapo talaga sa kaniya is yung suot niyang glasses ngayon. Mukha siyang nerd pero iba yung dating. Ang gwapo lintek!
"Tara?" Tanong niya. Agad naman akong lumabas sa gate namin at ngayon ko lang nakita na may dala pala siyang kotse.
Sumakay na kami at agad na umalis. Actually, wala akong kaide-ideya sa pupuntahan namin. Hindi ko din kasi siya naitanong tungkol doon. Ah bahala na, for sure hindi naman ako ipapahamak ni Finch, diba?
"We're here," pasintabi niya kaya agad naman akong tumunghay mula sa cellphone ko.
And wow. Nasa Amusement Park kami. Aaminin ko, minsa'y nangarap din akong pumunta sa mga ganito para magliwaliw o magsaya.
"Tara," sambit niya at hinila yung kamay ko papunta sa entrance. Na-concious tuloy ako dahil naka holding hands kami—naka-intertwine pa. Pero hindi na ako nagreklamo, kahit na ang daming nakatingin sa amin. Mukha tuloy kaming mag-jowa.
Bumili lang kami ng ticket. Sabi ko babayaran ko yung sa akin pero he insisted. Sabi niya siya daw nagyaya kaya dapat sakanya daw naka shoulder yung mga expenses. Pang-malakasan noh?
Simula sa pambata na laro hanggang sa extreme rides ay sinakyan namin. Lahat iyon na-enjoy ko.
"Oh, kain na,"
umupo si Finch sa harapan ko dala ang isang tray na puno ng pagkain. Jusko, anong meron? May pa-buffet ata si Finch?
Nagsimula na kaming kumain. Maya-maya ay may nakapukaw ng atensyon ko sa isa sa mga nakaupo dito sa foodcourt. Likod palang, kilalang kilala ko na kung sino yun.
Sino pa ba? Edi si Vincent.
Pero naiba na ngayon, kung dati ay nakikita ko siya sa mga public places kasama ang mga tropa niya. Pero ngayon hindi tropa yung kasama niya, kundi isang babae.
Nakita ko kung gaano sila ka-sweet sa isa't isa. Yung tipong aakbayan ni Vincent yung babae, mag yayakapan sila, sasandal yung babae, magsusubuan sila—NG PAGKAIN HA. Mga greenminded.
Kaya bigla nalang akong nawalan ng gana. Napansin din iyon ni Finch ata akala niya ay pagod lang ako kaya hinatid niya ako pauwi.
I appreciate his service. Pero sadyang nawalan lang talaga ako ng gana sa mga nasaksihan ko kanina. Siguro, siya yung babaeng kausap ni Vincent nung nakita ko siya sa labas ng cr nung nakaraan. Hay, tama na yan. Pine-pressure mo sarili mo, Ruben.
![](https://img.wattpad.com/cover/181326608-288-k169645.jpg)
BINABASA MO ANG
Vincent ✓
Non-FictionHighest rank: nonfiction #1 fiction: #13 boyfriend: #1 boytoboy: #1 boyslove: #1 Sa isang liga sa baranggay nila Ruben Diced, isang lalaki ang nagawang mapukaw ang atensyon niya. Hindi lang atensyon, pati puso niya na rin.