Ruben Diced
"Ha? HATDOOOG! Tara na kasi! Bagal bagal eh!" Sigaw ni Claire kay Adriane na nagtatalak ng kung ano man. Iba talaga pag buhay magjowa, babababaan nung isa yung defenses niya para magkaayos sila. Hayyy, sana all.
Naglakad na kami papunta sa lagi naming kinakainan. Lunch kasi ngayon. Nang makarating kami, isang saradong karinderya ang bumungad sa amin.
"Hala, wala si Ate Ai! San tayo kakain?" Protesta ni Claire habang nagpapadyak.
"Doon nalang kayla VINCENT," suhestiyon ni Adriane na halatang idiniin yung pangngalan ni Vincent habang mapanuksong nakatingin sakin. Lalakas ng trip eh.
Nananahimik nalang akong tumango at naglakad na kasama sila Claire at ang 3 pang iba. Mayroon kasi kaming samahang magkakaibigan, Kuko yung tawag dito.
Malayo palang ay tanaw ko na yung kainan nila Vincent. Eto nanaman yung puso ko, ambilis nanamang tumibok.
Nang marating kami doon ay umupo na muna kami at isa-isang umorder. Maya-maya lang din ay may lumabas mula sa kusina. Shet, si Vincent.
Siya yung nagse-serve at nakasuot siya ng uniform namin. Nananahimik nalang ako dito kasi baka mamaya pagnag-ingay ako ay magalit si Vincent, turn off na agad siya sakin agad-agad.
Inilapag niya na lahat ng pagkain at sa akin yung nahuli. Nang ilapag niya ay naglean siya palapit kaya sumikdo yung puso ko at nagitla ang aking paghinga dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa kanan ko.
Lilingon sana ako kay Claire para sana magtanong kung may data siya dahil magw-Wattpad ako pero paglingon ko ay mukha ni Vincent yung bumungad sa akin na saktong lumingon din. Kaya heto, nagtititigan kami. Yung mukha namin ay sobrang lapit sa isa't isa at kung gagalaw siya ay magdidikit na ang aming mga labi. Naaamoy ko yung pabango niya na humalo sa natural niyang amoy. Pati ang mabango niyang hininga ay tumatama sa akin.
"Vincent! Halika dito!" Sigaw ng kung sino mang nasa kusina kaya parang nagising sa katotohanan si Vincent at umatras na siya. Agad naman siyang umalis at mga mata at nanunuksong ngiti ang nakatutok sa akin.
"Pucha, tumigil nga kayo!" Suway ko sa kanila at tinawanan lang nila ako. Mga walang magawa sa buhay amp.
Pero grabe! Nanginginig ako. Nagtatatalon yung puso ko dahil sa pinaghalong tuwa at kilig. Grabe 'to si Vincent, papatayin ata ako nito eh.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Okay, cleaners, remain!" Sigaw ni Sir Rhayan kaya isinukbit ko na agad yung bag ko at dumiretso na palabas. Monday pa naman ngayon, Wednesday ako cleaners kaya ang laki ko namang sagabal sa classroom lalo na't magsisimula na silang maglinis. Ewan ko nga lang kung maglilinis ba talaga sila. Nakasabay ko kasi si Adriane palabas eh. Isa pa naman siya sa mga cleaners ngayon.
Paglabas ko ay pumunta muna ako sa waiting shed para iwan yung bag ko at dumiretso ako sa banyo para umihi. Pagdating ko doon ay tinignan ko muna yung sulok ng pinto, yun kasi yung basehan ko kung may tao o hindi. Pag bukas yung ilaw sa loob, may tao at pag hindi, edi wala.
Nakita ko namang hindi nakabukas yung ilaw kaya naman binuksan ko na ang pinto.
Pagbukas ko ng pinto, sakto namang may lumabas kaya napatalon ako sa gulat. Si Finch. Kaklase ni Vincent.
Nagkatinginan kami at binigyan niya lang ako ng ngiti, nakita ko tuloy yung ngipin niyang naka-brace. Sa school kasi namin, walang cubicle ang boys, sa girls lang ang meron. Agad namang umalis si Finch kaya naka-ihi na din ako.
After kong umihi ay pagbukas ko ng pinto ay ang napakagwapong mukha ni Vincent ang bumungad sa akin.
Napatigil nalang ako sa kinatatayuan ko. Teka Ruben, calm down.
Nginitian ko lang siya at dumiretso na palabas. Ang awkward! Hindi ko maikakailang may maduming ideya ang pumasok sa isipan ko kaninang tagpo naming dalawa. Yung tipong yayayain niya ako sa banyo tapo—TIGIL! HAROT!
Nang makadiretso ako sa waiting shed ay nagyaya nalang akong maglaro kami ng ML. Gusto kong i-divert yung atensyon ko sa isang bagay kaysa sa mga kadumihang iniisip ko. Baka mamaya may tumayo ng wala sa oras eh!
"Huy! Pumasok daw muna kayo sabi ni Maam!" Sigaw ng kung sino man. Paglingon namin ay isang estudyante na nasa lower level. Nakatingin siya sa aming lahat kaya nakuha na namin agad ang kaniyang nais iparating.
Pumasok na kami sa loob at dumiretso sa gym. Pagpasok namin, kakaunti palang naman yung mga tao kaya nakahanap agad kami ng mauupuan. Nakapwesto kami sa pinakataas na parte ng bleachers.
Maya-maya lang 'din ay dumami na ang tao sa gym kaya heto't siksikan kami. Nakikipag-usap lang ako kay Dada na katabi ko nang biglang magsalit yung katabi ko.
"Usog daw."
Napatingin ako sa katabi ko. Agad ko namang tinapik si Dada at sinabihan ding umusog.
Nang magsimula na ang pagbibigay ng announcement, ramdam ko ang tingin ng katabi ko, based on my peripheral vision. Hindi ko nalang siya pinansin. Hindi naman kami ganon ka-close ni Finch eh.
"Ini-move namin yung date ng fieldtrip. The feildtrip will take part on next week. Mas pina-aga na namin dahil after ng fieldtrip ay promenade na 'din," announce ng principal namin na nakapukaw ng atensyon ko.
"And to make this fieldtrip fun and exciting, ang katabi niyo ngayon ay ang magiging ka-buddy niyo pagsakay ng bus at pagdating doon sa venue," nangingiting banggit ng principal.
Agad naman akong nakarinig ng mga protesta dahil sa hindi nila ka-buddy yung kaibigan nila. Buti nalang at si Dada yung partner ko—
"And to specify whom you'll gonna be paired with, from left to right ang pairing."
Nanlaki ang mga mata ko. Feeling ko matatanggal na yung mata ko sa sobrang paglaki. Lumingon ako kay Finch na nakangiti na tila ba'y abot langit.
"Hi, partner na tayo ah?" Sambit niya at ngumiti muli.
Jusko. Sa dinami-dami ng pwedeng maka-partner, eto pang si Finch na hindi ko naman ganun ka-close! And based from my source—este tsismis, hambog from the core 'daw tong si Finch. Mayabang, kumbaga.
Okay lang naman sa akin yun eh. Basta wag lang siyang masyadong magkwento sa mga narating niya sa buhay. Tss, tutulugan ko lang yang kumag na yan.

BINABASA MO ANG
Vincent ✓
Não FicçãoHighest rank: nonfiction #1 fiction: #13 boyfriend: #1 boytoboy: #1 boyslove: #1 Sa isang liga sa baranggay nila Ruben Diced, isang lalaki ang nagawang mapukaw ang atensyon niya. Hindi lang atensyon, pati puso niya na rin.