Spoken Poetry 3

8.7K 68 10
                                        

Magkaibigan Lang Tayo"
Ni: zyramaemotita

Nandun na ako sa puntong lagi kang nandiyan.
Nandun na ako sa puntong,
Kailanman ay di mo ako iiwan.
Pero sana maintindihan mo,
Magkaibigan tayo.
Alam ko,
Na sa tuwing nalulungkot ako
Ay lagi kang nandiyan
Para yakapin ako.
Kapag may luha sa mga mata ko, nandiyan ang palad mo para sumalo.
Kulang na nga lang pati uhog ko ay punasan mo gamit ng mga kamay ko.
Pero di yan mababago
Na magkaibigan lang tayo.

Paninindigan ko,
Ang desisyon ko
Dahil alam kong yun ang tama.
Ewan ko ba naman kasi sayo kung anong tinira mo at umamin ka sa akin ng nararamdaman mo.
Lalayo na ba ako?
O paninindigan ko ang magkaibigan tayo?
Aaminin ko,
Hindi na ako komportableng kasama ka.
Kapag nandiyan ka ay gusto ko na lang maglaho na.
Ayoko naman kasing ipagtabuyan ka
At ayaw ko ring mawala ka.
Pero lilinawin ko lang na hindi tulad ng iba,
Pinili kong maging magkaibigan lang tayo hindi dahil ayokong may masira.
Ito talaga ang tunay na nararamdaman ko.
Kaibigan lang, ang turing ko sayo.

Hayaan mong habaaan ko pa ito.
Kasing haba ng panahong naging magkaibigan tayo.
Nung di mo pa pinapakomplikado ang lahat.
Ang wagas na pagkakaibigan ay sapat...
Sapat na.
Hindi mo kailangang sabihing "mahal kita".
Dahil ramdam ko naman,
Akala ko nga lang ay kaibigan lang talaga.
Malay ko ba na may malisya ka na?
Sa tuwing lumalabas tayong dalawa
Ay iniisip mong boyfriend kita.
Gusto ko lang banggitin na di ko na naaalala ang unang araw na nagkakilala tayo.

Hindi sa di kita pinahahalagahan o ano,
Nagfocus na lang kasi ako,
Sa bawat araw,
Sa bawat trip,
Sa bawat pelikulang pambata na napanood
Yung Shades Of Grey na pagkatapos nating mapanood ay nagchat ka ng "send nudes".
Tawa ka..

Bawat araw natin ay masaya.
Kahit pranks ay di na maganda.
Naalala mo yung tissueng nilagyan mo ng paminta nung may sipon ako?
Ipagpapalit mo ba dahil lang sa nararamdaman mo,
Sa akin?
Sa akin ay tunay kang mahalaga,
Mahal kita pero kaibigan lang talaga.

Salamat sa paggawa ng thesis ko kahit di naman ako nagkokolehiyo.
Anong trip yun?
Salamat sa pagsapak sa ex ko,
Kumusta kamay mo, eh ang kapal ng mukha nun?
Salamat sa panahon,
Na pinagtatakpan mo ako.
Kahit gumimik talaga ako y sinasabi mo sa nanay ko na may group study tayo.
Salamat sa lahat..

Ngunit bago pa maging farewell poem ito para sayo,
Hayaan mong tapusin ko ito ng ganito,
Kakalimutan ko ang sinabi mo,
Magkaibigan pa rin tayo.

Spoken Poetry TagalogMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon