Spoken Poetry 45

1.1K 7 0
                                    

My spoken word poetry
"LGBTQ"
By: Unknown Boy
Lgbtq limang letra ngunit madami ang nanghuhusga , limang letra ngunit ni isa walang nakakita kung ano ang aming halaga ,
Pano ? Pano nga ba kami mabibigayan ng sapat na halaga ? Kung sa bawat laban namin kami ay agad nyong itinutumba ? Ang kailangan lang naman namin ang inyong suporta , o kahit hindi nyo na mabigay ang inyong suporta , basta kami'y bigyan nyo lang ng kalayaan , kalayaan para sa aming kasarian , kalayaan na kami ay magmahalan , kalayaan , bakit nyo ba iniinsulto ang aming kasarian ? Bakit hindi nyo nalang kami bigyan ng kalayaan , meron ba kayong dahilan ? Bigla nalang kayong mangungutya na parang kayo lang ang may karapatan , karapatan na mabuhay dito sa mundong ginagalawan , ano ba ang sapat na dahilan? Dahil ba sa kakaiba ang aming kasarian ? Akala ko ba lahat tayo ay anak ni kristo , lahat naman ay pwedeng pumasok sa kumbento , ngunit bakit ang pinto ng kumbento ay pilit nyong isinisirado ? Ganyan ba kayo karespeto? Kami ay tao lang din naman katulad nyo , kung pwede lang mabigyan ng hatol ang hindi marunong rumespeto sa kapwa tao , alam nyo ba kung ano ang nararamdaman naming mga tao? Tao naghahangad na mapakita ang aming talento sa entablado ,
Ang hangad lang naman namin ay ang mabuhay ng normal dito sa mundo , dito sa mundo na halos lahat ay mapagmataas na tao , kung hindi ba kami naging ganto ay pantay pantay na lahat ng tao? Kung hindi ba kami naging ganto ay patuloy padin ang pangungutya nyo ? Pero mali naman kasi talaga kayo bakit ba hindi nyo matanggap na ang LGBTQ ay parte na ng mundo ? Bakit hindi nyo nalang kami tanggapin mula sa puso ? Bakit ang tingin nyo samin ay anak ng impyerno ? Bakit at pano nyo nasasabi na hindi kami matatanggap ni kristo? Ginawa nya lang din naman kami katulad nyo , nagmamahal , nasasaktan , napipilitan , napipilitang lumaban , napapagod sa pinaglalaban , pinaglalaban kung pano malulutasan ang kwentong hindi alam kung may katapusan , bakit nyo ba kami hinuhusgahan ? Kami ba ay inyong hinuhusgahan dahil sa maling pagmamahalan? Ang alam ko walang mali sa pagmamahalan , kahit magkaparehas na kasarian , basta eto ang inyong tandaan , na kahit kailan puso ang nagmamahal hindi ang mata o kasarian ....

Spoken Poetry TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon