Spoken Poetry 21

2.4K 8 0
                                        

SILENT NIGHT;
"Ang mundo ang saksi
Kung paanong ang utak ko ay nagtaksil
Pinugutan ang sarili kong hininga
Gamit lang ay ang masasakit na salita"
Isang tahimik na gabi
Biglang napatitig sa salamin
Nagdilim ang paligid
Tila may mga boses na bumubulong sa aking paligid
"Hindi ka magaling
Hindi ka maganda
Wala ka ng ibubuga
Wala ka ng mararating"
Ilan lang yan sa bumagabag
Sa tahimik kong gabi
Hanggang sa nakatulog na ako ng mahimbing
Inakalang ang mga multo ay akin ng nailibing
Sa pagpikit ko'y lalo silang dumami
Nakakarinding paulit-ulit
Palapit ng palapit
Palakas ng palakas
Para kong unting unti nawawala
At sa mga nangyayare ako'y nadadala
Nagmistulang nawawala sa sarili't nakatulala
Animo naghihintay ng himala
O kaya naman ay taong gigisingin saaking kagihasnan
Mula sa bangungot nitong kamatayan
Na patuloy akong kinakatok at dinadadalaw
Sa tuwing mamamatay ang mga ilaw
------
Ngunit nitong huling araw
Tila hindi na yata ako sisinagan ng araw
Hindi ako makagalaw
Walang makarinig pero sigaw ako ng sigaw
Eto na ba ang aking katapusan?
Dahil nagpadala ako sa sinasabi ng lipunan
Kaya't kahit sariling isip
Ay hindi na malabanan
Niyakap ko ang kadiliman
Napuno ang isip ko ng katanungan
Ako ang naging biktima
At ang suspek ay ang sarili kong pluma
Ako ang nagplano
ng sarili kong pagpanaw
Paalam sa akin
At sa kambal kong halimaw.



-credits to our spoken poetry writer!

Spoken Poetry TagalogMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon