WALA NA
Sino nga ba ako?? pati sarili ko'y hindi ko na nakilala
Samo't saring masasakit na salita na nagsisilbing patalim na paulit-ulit tumutusok sa aking katawan
Mga aking nakakasalamuha'y hindi ko nawari kung tunay
Walang ibang pwedeng pagkatiwalaan kundi sarili lamang
Nabubuhay ako na puno ng pangamba at takot sa sarili na baka sa isang iglap lamang ay tuluyan nakong bumitaw sa laban ng aking buhay
Pilit nilalaban ang isang bagay na alam kong sa huli'y ako parin ang talo
Pilit kinukubli ang tunay na nararamdaman,maipakita lang sa mga taong nakapaligid na hindi ako naapektuhan, ngunit ang totoo'y pagod na pagod nako,sugat na sugat nako, at higit sa lahat pasuko nako
Isa sa pinaka hindi ko maintindihan ay kung bakit ako napag-iiwanan kung bakit ako iniiwan, at bakit ako pinagpapalit sa iba
Pakiramdam ko'y may mali saakin, o mali ba talaga ang lahat saakin
Sabagay kung papipiliin naman ako ay hindi ko pipiliin ang aking sarili, sino banaman ako di hamak na pampalipas at walang kwentang tao
Dumating ako sa puntong pati sarili ko'y sinisisi ko na dahil ayaw saakin ng mga tao
Na kung bakit ako sinasabihan ng masasakit na salita
Na kung anong meron sila na bakit wala saakin
Pumunta ako sa isang lugar na tahimik umupo at umiyak, iniyak lahat ng problema na hindi ko na kayang harapin pa, may salitang na pilit pumapasok sa aking isipan ang salitang ito ay "lumapit ka saakin sabay tayong haharap sa mga problema mo", nangangamba ako ngunit nagtiwala ako.
tumayo ako na may ngiti sa labi,maganda ang pakiramdam hindi dahil nai-iyak ko lahat kundi kasama ko ang DIYOS na haharapin ang aking mga problema at alam ko sa sarili ko na kahit madumi ako sa paningin ng diyos ay hindi niya ko hinusgahan ni iiwan man ay hindi
Humakbang ako na punong puno ng pag-asa dahil kasama ko na ang DIYOS KO sa laban na haharapin ko at sabay namin itong pagtatagumpayan
kaya't sa mga taong dumating o dadating palang sa DEAD END, sana'y maging handa kayo dahil kahit anong oras ay pwede kayong bumagsak kapag nagpadalos dalos
AN
yow guyz ito ulit ako hahahaha so ipopromote ko lng ung 1st fiction story ko na Squad Goals | Zombie Apocalypse sana po suportahan niyo Ko duon

BINABASA MO ANG
Spoken Poetry Tagalog
PoesieAll the Spoken came from our Page "Spoken Poetry PH." sariling gawa po namin ito and please po paki boto po ng aking new project! aabot po ito siguro ng 100+ pafollow and like ng aming page" SPOKEN POETRY PH" please subscribe to my youtube channel:...