Spoken Poetry 9

4.6K 28 0
                                        

Umasa at Naging Tanga"
-zyramaemotita
Kay sayang makasama ka
Tila ba'y mundo ko'y nagiiba
Ikaw lang sapat na
Subalit hindi ko inasahang ako'y aasa
Biro lang pala
Akala ko seryoso ka na
Tanga nga ba akong maituturing?
Ang makapiling ka ay aking hiling
Siguro tama nga sila
Magaling ka lang talaga sa umpisa
Tapos ang ending ako'y nganga
Hinangaan lang kita
Hindi mo naman pala makikita ang aking halaga
Maniniwala pa ba ako sayong salita
Kung parati mo lang akong binabaliwala
Marami namang iba
Subalit ang puso ko sayo lang talaga
Hays...tama na
Pass break na muna
Panahon na siguro para makalimutan ka.

Spoken Poetry TagalogMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon