Huling tula
Ni zyramaemotita💔
Ito na ang huli
Huling tula na iaalay sayo mahal
Tatanggalin ang mga sukat at tugma
At ipapalit ang mga.....
Salita na pilit kong kinukubli
Huwag mo lamang malaman na akoy umaasa at
nasasaktan pa din
******************************************************
Sumusulat ng tula
Nagbabakasakali na matanggal ang hapdi
Maibsan ang sakit
Makalimutan ang tamis
Tamis na pinaranas mo ng saglit
Na agad mong pinalitan ng malaimpiyernong sakit
Pero bakit tila hindi nagbabago ang takbo?
Pinipilit ang sarili na lumiko sa kabilang direksyon
Na kung saan walang ikaw ang mamamataan
Walang ikaw.....
Walang ikaw.....
Walang ikaw.......
Pero bakit ikaw pa rin ang nais?
May kung anong musika ang naririnig
Sa bawat buka ng iyong bibig
Mga matang nagniningning
Sa tuwing ngumingiti
Iyong masasayang halakhak
Na para bang hinehele ako sa lambing
Para akong nahihipnotismo
Hinihigop ang aking lakas
Para bang konting ngiti mo lang
Natitibag na agad ang pader na itinayo ko sa pagitan nating dalawa
Para akong asong ulol
Na hindi mapakali
Sa tuwing ikaw ay nahuhuling nakatingin
Ayan ka na naman
Binabago ang direksyon na dapat ayun ang tinatahak na landas
Para bang binabalik mo ko sa direksyon na kung saan naanduon ka
Pero bago tayo ulit mag gaguhan
Ipapaalala ko lang sayo
Na kung laro lang ang hanap mo
Masasabi ko lang sayo
Saludo ang gitnang daliri ko sa kamay
Sa galing mo makipaglaro ng katarantaduhan
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry Tagalog
PoetryAll the Spoken came from our Page "Spoken Poetry PH." sariling gawa po namin ito and please po paki boto po ng aking new project! aabot po ito siguro ng 100+ pafollow and like ng aming page" SPOKEN POETRY PH" please subscribe to my youtube channel:...
