Para sa Bayan
Nangako ng pagkarami-rami,
Nang naluklok kumonti.
Pinagkatiwalaan ng nakararami,
dahil sa dami ng sinabi
Napakadaming binitawang salita,
halos lahat ay nabalewala.
Naluklok sa inaasam na posisyon,
dahil sa maamong pagmumukha sa telebisyon.
Puro nalang ba gastos para sa bayan?
o gastos sa pangsariling kagustuhan?
Asan na yung dapat napapakinabangan ng bayan?
mali pala, asan pala yung mga naipundar mong kagamitan na dapat sa bayan?
Kalunos-lunos ang sinapit ng mga kabataan,
sa kamay pekeng nagmamakabayan.
Sana kahalintulad ng mga pinaggagawa niyo,
ang pinapakita niyo tuwing nakaharap sa maraming tao.
Kabataan ang pag-asa ng bayan,
ngunit nagawang ipagbili sa ibang bayan.
Maraming salamat sa limang daan tuwing eleksyon,
ngunit hindi niyan kayang sapatan ang halaga ng bawat kabataang umaasang giginhawa pa ang bansang kanyang ginagalawan
Sana sa susunod na eleksyon,
piliin ang tamang tao para sa tamang posisyon.
Sana sa susunod na mga boboto,
isipin ang kapakanan ng bawat tao.
Oras na para gisingin ang diwa ng pagiging makabayan,
Hindi salita ang makakapagpabago sa bansa kundi aksyon ng bawat tao hindi ng nasa posisyon.
Kaya sana magsilbing aral ang mali ng kasalukuyan upang hindi na sumunod sa kinabukasan,
Muli asan yung para sa bayan?
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry Tagalog
PoetryAll the Spoken came from our Page "Spoken Poetry PH." sariling gawa po namin ito and please po paki boto po ng aking new project! aabot po ito siguro ng 100+ pafollow and like ng aming page" SPOKEN POETRY PH" please subscribe to my youtube channel:...