-LARAWAN-
BY:Žýⓡⓐ ⓜⓐⓔ ⓜⓞⓣⓘⓣⓐ
Minsan, inisip ko din kung "pwede bang pahinge ako ng litrato".
Kahit isa lang sa mga naipon na sayo.
Kasi sayang naman,
Kung itatapon mo lahat ng ating larawan.
Pahingi ako kahit isa, yung nagpapakita na sobrang saya nating dalawa.
Para naman maalagaan ko,
Kahit hindi na yung mismong tao.
Para naman makausap ko,
Kahit hindi na diretso mismo sayo.
Para naman matabi ko,
Simbolo na kahit minsan naging masaya ko sa isang kagaya mo.
sayo ko lang kasi naramdaman yung pagmamahal na gusto ko
sayo ko lang naranasan na umiyak ng sobra
sayo ko lang naranasan na sinisipag akong gumising nang umaga para masilayan ka
masilayan sa paaralan
kaya ako nagsisipag pumasok kasi andun ka
ngunit diko lang maintindihan
kung bakit ako'y iyong iniwan
dahil ba sa lumipat na ko ng paaralan
pasensya na mahal di ko rin naman ginusto na lumayo sayo
alam mo bang gusto ko ibalik yung araw na magkasama pa tayo
ewan ko ba bakit ako nabaliw sayo ng husto
sayo lang ako nagpakatanga ng sobra
kahit na sinasaktan mo na ko ng sobra
kahit na alam ko na may mahal ka nang iba
gusto na nga kitang kalimutan kaso di ko magawa sapagkat nakaukit ka parin sa puso't isip ko bakit di kita magawang kalimutan
bakit ngayon matutulog ako ng malungkot at parang ayoko nang pumasok sapagkat di na kita masisilayan
bakit kasi pinaglayo tayo
mahal ko sana ako'y iyong mahintay
sana sa pag balik ko ay mababalikan pa kita
alam mo sa sarili mo kung gaano kita minahal
kahit na sinasaktan moko ng husto
nagbubulag bulagan sa aking mga nakikita
nagbibingibingihan sa aking mga naririnig
ayoko silang pakinggan sapagkat ako'y nasasaktan ng lubusan sa aking mga nalalaman
minsan pumapasok sa isip ko na kalimutan na kita ngunit sabi ng puso ko wag muna sapagkat mahal kita ng sobra
mahal bakit halos ngayon di mo na ko maalala
di mo na ko kinakamusta
bakit?may bago kana ba?
sabihin mo lang para di nako umaasa
hirap kasi umasa sa akala mo meron pa
mahal kung sakaling bumalik ka
tatanggapin padin kita kahit na alam kong malabo na pinipilit ko parin na baka sakaling pwede pa.
pwede pa na bumalik sa simula
yung unang araw na tayo'y nagkita
yung araw na masaya pa tayo sobra
yung araw na lagi tayong magkasama
mahal gustong gusto kong bumalik tayo sa dati
yung dati na lagi tayong nagkikita
yung dating sabay tayong kumakain sa canteen
yung dating sabay tayong umuwi
yung dating pupunta ako sa inyong bahay kapag ika'y may sakit
di moba ako namimiss?
yung ako na nandyan lagi sayo
yung ako na nagaalaga sayo
yung ako na lagi kang inuunawa
yung ako na mapagmahal sayo
yung ako na maunawain pagdating sayo
pero mahal pag ako nagbago!
di mo na makikita yung dating ako na balik na balik sayo
ako na nagpapakatanga sayo
mahal baka sa panahong keylangan mo ako
dun ako mawala sayo
sana mahal hanggat andyan ako lagi sayo wag mong sayangin yun
kasi once na nagbago ako wala kanang makikitang dating ako
.
.
.
.
.
.
kaya sa mga kalalakihan at kababahian dyan ingatan nyo yung mahal nyo hanggat nasasainyo yan sapagkat pag yan nagbago kahit lumuha ka pa ng dugo sa harapan nyan wala nang pakealam sainyo nyan
at higit sa lahat wag nyong awayin yan dahil sa panahon ngayon uso na yung comfort with landi at sa mga LDR dyan uso na pinagpapalit sa malapit kaya ingatan nyo yung mga mahal nyo
dahil base sa karanasan ko
pinagpalit ako sa mas malapit
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry Tagalog
PoetryAll the Spoken came from our Page "Spoken Poetry PH." sariling gawa po namin ito and please po paki boto po ng aking new project! aabot po ito siguro ng 100+ pafollow and like ng aming page" SPOKEN POETRY PH" please subscribe to my youtube channel:...