Spoken Poetry 19

2.7K 24 2
                                        

" HEART KITA , LIKE MO LANG AKO "
Akda ng inyong lingkod: Julius Rinz Gillego (Fafa Juls)
How ironic? Na tinurn-on ko 'yung computer ko,
Pero ako itong na-turn-on sa'yo,
I held my mouse, baka sakaling mag-click din tayo,
I pressed my keyboard , pero ba't ganun puso ko ang nagkatype sa'yo.
Hanggang search bar ba naman? ikaw pa rin ang aking hinahanap,
Ikaw ang lumabas sa google nung sinearch ko yung salitang pangarap,
Pero nung tinype ko yung katagang " papantay sa'yo"
an error occurred, dahil wala raw silang mahanap,
I also searched " PAG ASANG MAGING TAYO" wala rin akong nakalap.
Sinubukan ko rin ang youtube para ang sarili ko'y libangin,
Sa dami ng VIEWS ng mga video , bakit sa'yo parin ako may PAGTINGIN,
Kaysa manood ng mga cornyng vlogs, ang panoorin ka ang paborito kong gawin,
Handa akong magsubscribe sa buhay mo, sana naman sa'kin ay magsubscribe ka rin.
At alam mo bang hanggang instagram iniistalk kita?
Sa mga uploaded OOTDs mo ay hinahangaan kita,
Sana next upload mo, magkasama na tayong dalawa,
Tapos ang OOTD mo, naka-wedding dress ka na.
They said follow your dreams, so i followed you on TWITTER,
Kung may HASHTAG ang buhay ko, ito ay,
Hindi man ako 'yung i-FAVORITE mo, i will never say never,
Dahil sa trend list ng isip ko, ikaw ang number 1 trend-setter.
Facebook naman ang aking pinagka abalahan,
Lahat ng shared memes mo ay aking tinatawanan,
Bawat palit mo ng dp , agad kong pinupusuan,
Mga 1k comments challenge mo, ay hindi ko sinusukuan.
I am your solid reactor,
And active commentator,
Kahit ang tingin mo sa'kin ay isang malaking distractor,
Ako pa rin ang iyong knight in shining armor.
(mood changed)
Pero sa gitna nang pag-eenjoy ko sa pang-i-stalk sa timeline mo,
Nung ako'y nagrefresh, may narealized ako,
Ikaw na nga lang bumubuhay sa messenger ko,
Iniignore mo pa yung mga messages ko,
How sad na Ikaw lagi yung myday ko,
Pero ako pala sumisira sa day mo.
lahat ng LSM ko seen lang lagi ang kapalit,
Todo effort akong mag-type , pero simpleng reply lagi mong ipinagkakait,
Minsan ka lang magreply tapos yung smile emoji pang pilit,
Palit kaya tayo ng sitwasyon, para maramdaman mo yung sakit.
Pero hayaan mo na, hindi ko na ipaparamdam sa'yo ang ipinaparamdam mo sa'kin,
Ano nga bang karapatan kong magdemand, wala namang namamagitan sa'tin,
Ito lang ako idinadaan nalang ang sakit sa mga posts na palipad hangin,
Baka sakaling tangayin ka, pabalik sa akin.
Ito ako, hanggang sa social media nalang naglalabas ng hinanakit ko,
Kung pwede lang i-restart ang pangyayari sa buhay ko,
Pipigilan ko nang mainlove sa'yo,
Dahil alam kong heart kita, like mo lang ako,
Sige suko na ako,
Isha-shutdown ko nalang yung feelings ko para sa'yo.




-credits to our fellow spoken poetry writer!

Spoken Poetry TagalogMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon