"Gusto kita, Simula pa noong una. Kaso hindi mo lang nakikita."
✍🏻RONDABU
Naaalala mo ba yung gabi na muli tayong nagkita?
Isang usapan ng tropa na ikaw ay pupunta, at ako namang si put* nag ayos ng pustura.
Nasasabik na ikaw ay muling makita.
At eto na nga dumating na si maria, ilang fiesta ang lumipas tayo'y muling nagkita. Dibdib ko'y kakaba kaba, kamay ko'y daig pa ang naglalaba, mga mata ko'y bumubural na dahil sa taglay mong ganda.
Dumagdag ka man ng ilang pirasong kurba, pero yung ngiti mong napaka ganda at ang tingin mong nakakakaba, wala pa rin na iba. Ikaw parin yung babaeng nakilala ko noong unang dekada.
Yung babaeng inaabangan ko makita tuwing fiesta.
Yung babaeng kasabay ko sa padyak pauwi galing eskwela.
Yung babaeng niligawan ko pero hindi ako umubra.
Ewan ko ba.
Hindi ko na nga din maipinta yung mga panahon na ako ay sayang saya sa tuwing tayo ay nagkikita.
Kahit hindi mo man lang ako makamusta.
Kahit meron tayong kanya kanyang iba, nagkikita parin tayo mata sa mata.
Kagaya ng muli nating ngayon pagkikita.
Fiesta na!
Hating gabi na noong ikaw ay nakapunta, at sa wakas nagkita na naman tayo sa mata.
Mga tinginan nating tumatalbog, na akala mo ay sabog.
Mga kabog na hindi mo malaman kung sasabog.
Dahil nga lang ba to sa lambanog?
Lambanog lang pala yung makakapagpahinog sa mga puso nating natutulog.
Mga pusong sa iba kumakabog,tayong dalawa lang pala yung magkapareho ng tunog.
Kung saan saan pa tayo nag pakuyog,sakin ka din pala mahuhulog.
Ohh dibaaa?
Para lang tayong tangaa, tapos ngayon nagtataka ka pa?
Ilang dekada na ba?
Kulang pa ba?
Tumatanda kana,baka pwede na?
Tayo na, mag simula na tayo sa buhay na puro nalang saya.
Kalimutan na sila, mga punyet* sila.
Nilalaro ka lang nila, kaya tama na.
Tama na, yung mga panahon na ginawa lang nila para paikutin ka.
Papasok tayo sa panahon na puro lang saya, Panahon na tayong dalawa lang yung kasya. Bawal pumasok ang mga punyet*. Kaya sana sumama kana.
Magbibilang tayo ng mga ala-alang mahahalaga na hindi naibigay sayo ng iba.
Wala man akong pera ngayon pero pangako kong papasayahin kita.
Malapit naman na.
Magiipon lang ako,tapos kasalan na
Makakapaghintay ka naman diba? Basta tandaan mo lang muna, mahal kita at hindi ko hahayaan na masaktan ka
At sisiguraduhin ko sayo na hindi mo pagsisisihan na muli pa tayong nagkita
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry Tagalog
PoesiaAll the Spoken came from our Page "Spoken Poetry PH." sariling gawa po namin ito and please po paki boto po ng aking new project! aabot po ito siguro ng 100+ pafollow and like ng aming page" SPOKEN POETRY PH" please subscribe to my youtube channel:...
