Spoken Poetry 2

11K 106 15
                                        

HULING I LOVE YOU KO"
(huling tula ko para sayo)
By:zyramaemotita

Nawalan na ako ng gana,,
Nawalan na ako ng gana sa aking mga ginagawa,,
Pati na rin sa pagsusulat ng spoken poetry at tula,,
Simula nong ikaw kasi ay mawala,,
Mapa-Araw mn o gabi Ang aking luha,,
Ay walang tigil sa pagpatak patungo sa lupa...

Ang aking sarili ay sinubukan kung inangat,,
Pero hindi pa rin mawala sa puso ko ang iniwan mong sugat,,
Ginawa ko na ang lahat-lahat sapagkat,,
Walang bisa kahit gamitan pa ng mahiwagang agimat...

Hindi ko mapigilan ang umiyak,,
Kasi ikaw ang dahilan kung bakit ang puso ko ngayon ay nagkabiyak,,
Para na itong tinadtad ng isang itak,,
Nagkapiraso-piraso at unti unting nahulog sa lupa na parang ulang pumapatak...

Ikaw ang dahilan kung bakit ako naging masaya,,
Ikaw rin ang dahilan kung bakit naubos ang luha sa aking mga mata,,
Sana tinadtad mo nalang ako ng bala,,
Para hindi ko na maranasan ang masaktan pa,,
Sapagkat ako'y patay na...

Sana balang araw ay mamimiss mo ako,,
Ako,na gumagwa ng spoken poetry at tula para sayo,,
Ako,na laging andiyAn para sayo,,
Ako,na patay na patay sayo,,
Ako,,nà palaging sweet sayo,,
Ako,,na nagpapangiti sa mga labi mo,,
At ako na nasaktan ng dahil sayo....

Ito na ang huli kung tula,,
Na ikaw ang ginawa kung paksa,,
Ito na ang huling tula,,
Na nilaanan ko ng pawis,pagod at luha,,
Sapagkat ako'y mamaalam na,,
Mamaalam na sa relasyon nating dalawa...

Salamat pala at naging parte ka ng buhAy ko,,
Kahit panandalian lamang ay merong "TAYO",,
Nais ko ngayon iparinig sayo,,
Ang "HULING I LOVE YOU KO"..
..."I LOVE YOU MAHAL KO"..

Spoken Poetry TagalogMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon