Muntik ng maging tayo
Paano ko nga ba uumpisahan ang kwento nating dalawa?
Mauumpisahan pa ba kung sa una palang tapos na?
Paano nga bang ang muntik ng maging tayo ay biglang naging kayo?
Nais ko sanang ikwento ngunit ako'y nangangamba
Natatakot, nababalot ng kaba
Na baka iba ang kwento ko sa kwento niyo
Sa bagay iba naman talaga.
Simulan natin sa kung paano tayo nagsimula,
Simpleng usapan
Maghapong tawanan, magdamag na kwentuhan na tila ba Hindi tayo nauubusan ng paguusapan
Tumagal yun ng halos dalawang buwan
Halos dalawang buwan na walang palyang good morning at good night
Kumain ka na ba't ingat ka
Sasamahan pa ng nakauwi na ko ng ligtas
Sinong Hindi mahuhulog sayo
Daig ko pang may jowa sa trato mo.
Pero ano nga ba tayo?
Wala kang sinabi ngunit madami kang pinaramdam
Hindi ko alam kung friendly ka lang talaga o gago ka.
Pa fall ka tol.
Hanggang sa dumating yung araw na sinabi mong 'handa na ko'
Akala ko handa ka ng magtapat sakin kaya inunahan kita.
Umamin ako, ang bobo ko, WRONG MOVE
Dahil iba pala, Hindi pala ko.
May nabuo ka na palang storya kasama siya
Tangina lang dahil lahat nasayang dahil nagkagusto ako.
Ang sakit shet.
Hanggang sa lumipas ang mga araw Hindi ka na nagparamdam
Nabalitaan ko nalang na kayo na.
Ang bilis naman 2 linggo kayo na agad?
At sa paboritong araw ko pa? Ang tibay talaga pati tawagan niyo ay yung tawagan na pinapangarap ko.
Ako dapat yun ee, ako dapat kaso Hindi.
Paano nga ba nangyare? Hanggang ngayon kasi di ko pa din mawari.
Saan nga ba nagumpisa ang lahat?
Kailan natapos?
Naguguluhan ako pakisagot naman mahal ko.
Hanggang ngayon ilang buwan na ang lumipas
Sariwa pa din ang sugar at ang sakit di pa rin kumukupas
Kahit nabalitaan kong wala na kayo
Nanghihinayang pa rin ako sa muntik ng maging tayo
Nagtatanong pa din ako sa kung paano nga bang ang dapat na TAYO ay naging KAYO
-ADMIN M.
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry Tagalog
PoésieAll the Spoken came from our Page "Spoken Poetry PH." sariling gawa po namin ito and please po paki boto po ng aking new project! aabot po ito siguro ng 100+ pafollow and like ng aming page" SPOKEN POETRY PH" please subscribe to my youtube channel:...
