Spoken Poetry 28

1.8K 9 1
                                    

Ibang Mundo
-ms.teryosa

Paano kaya kung baliktad tayo ng sitwasyon?
Yung tipong ako ang lumalayo, at ikaw ang naghahabol
Mararating mo kaya ang narating ko ngayon?
Mararamdaman mo kaya iyong pusong parang tumatambol.

Tatakbo ka rin ba, hahabulin mo rin ba ko?
Kaso, baka huminto rin ako, at salubungin ka.
Wala ee, mahal kita.
Ang tanga diba, ang rupok ko pagdating sayo.

Ganoon talaga siguro pag nagmamahal
Kahit masakit, kahit nakakapagod, hindi ka aangal
Tahimik na iiyak tapos tutuloy ulit.
Mapapagod, madadapa, pero tutuloy pa rin
Ikaw ba naman ang premyo ee.

Kaso, bakit nung ikaw na, tumigil ka
Tumalikod, at naghanap ng iba.
Kingina, kahit sa pantasya ko
Hindi ka pwedeng maging akin

Kahit sa imahinasyon ko
Sa kanya ka pa rin
Sa pagpunas ko ng mga luha at pagtapos nitong tula
Natutunan kong bitawan ang ating alaala.

Ngunit hindi ang pag-asa
Dahil umaasa at naniniwala pa rin ako
Na balang araw magkakaroon ng 'tayo'
Hindi man dito, baka sa panaginip ko o kaya naman sa ibang mundo.

Spoken Poetry TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon