TAMA NA"
By:zyramaemotita
Dumadaan ang araw,lumilipas ang panahon,
Subalit bakit hindi pa rin nagbabago ang iyong nararamdaman at emosyon Tunay nga bang nagbibigay sya ng pag-asa?
O baka naman patuloy ka lang umaasa...
Paano ka makakausad kung tuluyan kang nalulunod sa nakaraan,
Hindi mo ba kayang salubungin ang kasalukuyan
Nakaraan na tuluyan'g lumilipas,
Nakaraan na patuloy kumukupas
Hindi ito kasaysayan na kailangang balik-balikan,
Ito ay nararamdaman na dapat ay kalimutan
Nasaan ba ang iyong guro sa asignatura?
Bakit hindi ka magpaturo na kalimutan na sya..
Baka naman mas gusto mong pumunta sa sementeryo,
Para maibaon mo na ng malalim iyang nararamdaman mo
Magdadala ako ng pala at maghuhukay,
Ibaon mo ng malalim at tabunan ng lupa na di maaabot ng kamay..
Kawawa naman si kupido,laging sya ang sinisisi mo,
Paano naman ang nananahimik na mundo?
Lagi na lang sya ang pinagbubuntungan ng galit mo..
Bakit di mo subukang gumawa ng bagong alaala,
Alaala kasama ang iyong kaibigan at pamilya
Dahil sila,sila ang maaasahan mo sa oras ng problema,
Sa oras na pakiramdam mo ay nag-iisa ka...
Binibining kay rikit,
Sinulat ni :zyramaemotita
Mata mo'y maganda kahit nakapikit.
Itong mga ginoo sayo'y naaakit.
Ngiti mo'y singkinang ng mga bituin sa langit.
Ngayon ako'y naririto't nagbabakasakaling puso mo'y masusungkit. Maaari ba kitang angkinin? Pangako, araw araw kitang pasasayahin.
Maaari na ba kitang angkinin?
Pangako, ikaw lang ang mamahalin.
Puso mo'y maaari ko na bang maangkin?
Pangako, hindi kita paiiyakin.
Binibini, 'wag ka nang magsungit.
Sana'y tigilan mo na ang pagkain no'ng gulay na mapait.
Kung maging tayo, ako'y magpapakabait.
Kung maging tayo, pakiusap ibang lalaki'y huwag hayaang lumapit. Ikaw yaong binibini, Na hindi madadaan sa mga tsokolate.
Hindi ka rin katulad ng ibang mga babae,
Sapagkat mas malakas ka pang manapak kaysa sa lalaki.
Natatandaan mo pa ba no'ng unang araw ng pasukan?
Noong tayo'y nasa ika-siyam na baitang,
Nag agawan tayo sa upuan.
Tapos pareho tayong napagalitan.
Araw araw rin tayong nagbabangayan.
Hanggang sa nahulog ako sayo.
Hanggang sa minahal na kita ng patago.
Sagutin mo lang ako,
Magbabago ako para sa 'yo.
--
Tandang tanda ko pa 'yang mga pinagsasasabi mo.
Tandang tanda ko pa nang itula mo iyan sa harap ko,
Sa harap ng maraming tao.
Halos maiyak ako,
'Yang tula kasing ilang linggo mong inensayo,
Hindi para sa akin kundi para sa katabi ko.
Para sa kaibigan ko.
Para sa best friend ko.
Naaalala mo pa ba nang lapitan mo ako?
Kinaibigan mo pa nga ako.
'Yang tulang binigkas mo?
Hindi ba't sa akin mo iyan pinabuo?
Kung sa bagay, extra lang naman ako.
Nakisaling pusa lang naman ako.
Bakit pa kasi ako nakidawdaw sa kalandian n'yo.
Isa nga akong extra.
Ako 'yong babaeng dumaan para lang hindi simple't ordinaryo ang eksena. Isa nga akong extra. Ako yung karakter na hindi pinagtuuanan ng pansin sa istorya.
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry Tagalog
PoetryAll the Spoken came from our Page "Spoken Poetry PH." sariling gawa po namin ito and please po paki boto po ng aking new project! aabot po ito siguro ng 100+ pafollow and like ng aming page" SPOKEN POETRY PH" please subscribe to my youtube channel:...
