Spoken Poetry 51

962 5 0
                                        

Pinagpalet
Isinulat ni Maribie Maestre

Mahal kamusta ka?
Ako paba ay iyong kilala?
Pangako mo sakin iyo pabang naaalala?
Mga salitang "iba ka sa kanila"
Ngayon ay nauwi na sa "tulad karin pala nila"
At sa kanya'y tuluyan kanang sumaya

Mahal alam mo ba?
Mga pangako mo sakin ay nasa isip at puso ko pa
Kasi sinabi mo akin tayo'y walang hanggan
Pero bakit ngayon ako'y tuluyan mo ng iniwan

Mahal.
Sana sa umpisa palang
Sa umpisa palang sinabi muna
Sakin hindi kana masaya
Para di ako nag mukhang tanga

Mahal.
Sana sa umpisa pa lang
Sa umpisa palang sinabi muna
Sinabi mo na ako'y tuluyan mo nang binitiwan
Para di ko na sinubukang ika'y ipaglaban

Mahal.
Hindi pa ba sapat?
Sayo ako'y lubos na naging tapat
Binigay ko ang lahat
Kahit alam kong hindi na dapat

Ako yung babaing di mo makukuha sa mabulaklak na salita
Pero bakit pag dating sayo mahal akoy lubos na nag tiwala
Kaya mundo ko ngayon tuluyan ng nasira
Lalo na nung sinabi mong pinipili mo siya

Pero mahal, wag kang mag alala
Sakin ay ayos lang na mas pinili mo sya
Kesa sa tagal ng relasyong binuo nating dalawa
Sakin ay ayos lang na makita kang masaya
Makita kang mas sumaya sa kanya
Kesa sa panahong ako pa ang iyong kasama

Mahal.
Hindi naman masakit
Ang ipag palit ka sa malapit
Dahil ang tunay na nakakagalet
Yung iniwan mo kong mag isang nakakapit

Spoken Poetry TagalogMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon