Spoken Poetry 41

1.2K 5 1
                                        

"Plastic"
-Nylrehs Oayul Rondina

Iyon yong mga taong kasama mo
Na akala mo totoo sayo
Masaya na sana kayo
Kaso mukhang may kakaiba sa isang tao
Hindi ko mapagtanto kung ano
Masaya ka sanang kasamang ngumiti
Ngunit bakit parang may mali
May bumabagabag sa aking isipan
Na gusto kong malaman ang kasagutan
Akala ko totoo ka sa akin
Akala ko mapagkakatiwalaan ka rin
Akala ko totoo ang iyong mga sasabihin
Ngunit ang lahat ay akala ko lang rin
Pinagkatiwalaan kita ng buong - buo
Tapat at walang halong biro
Pero anong ginawa mo
Ako lang ay iyong niloko
Pinaniwala sa mga pakitang tao mo
At ako naman si tanga
Na agad-agad namang naniwala
Bakit pa kase may taong plastic sa mundo
At isa pa sa mga taong nakilala ko
Ang mga plastic na taong katulad mo
Ay hindi dapat linalapitan
Dahil baka ang iba ay mahawaan
Sa kanilang kaplastikan
Ang mga taong mabuti lang sa harapan
Pag ikaw naman ay nakatalikod ay pinagchichismisan
At kanilang sinisiraan
Akala mo naman perpekto
Na hindi na nagkakamali sa mundo...

Sorry po natagalan...😀

Spoken Poetry TagalogMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon