Kung Mangliligaw ka"
Written by:zyramaemotita
Kung mangliligaw ka
Siguraduhin mong sigurado ka
At 'yung isip mong nagdadalawa, tatluhin mo pa
Pakiusap pag-isipan mo muna
'Wag kang padalos-dalos
Bago mo ipagsigawan dapat ay handa kang mapaos
Siguraduhin mong tunay ang lahat ng sasabihin hanggang sa matapos
Bago ka magsalita ng tapos
Iyo sanang tandaan
Na sa lahat ng maaaring simulan
Ang pakikipagligawan ang siyang dapat na malalim na pag-isipan
Sapagkat 'di ito kabilang sa mga laro ng kabataan
Na magiliw mong sisimulan
Ngunit kapag nakaramdam ka na ng kasawaan o kapaguran ay agad mo naring susukuan
'Wag mo rin sanang tangkain
Na siya ay ligawan para lamang makatikim
Dahil kapag nagtagpo ang landas natin
Ikaw ang makakatikim sa akin
Maliwanagan ka rin sana
Na ang layunin ng pangliligaw ay para maiparamdam mong gusto mo ang isang dalaga
At hindi upang manakit at magpaasa
Pakiusap maliwanagan ka sana
Sapagkat malalambot ang puso nila
'Wag ka sanang maging katulad ng iba
Na magagaling lamang sa una
Mga lalaking kay sarap pagsama-samahin sa isang isla tapos turukan ng unlimited bakuna, pabunutan ng bayag sa mga dentista bago ipakain sa buwaya
Kulang pa 'yan para sa mga lalaking 'di marunong magpahalaga
Sa nararamdaman ng isang Eba
Kaya bago ka may ligawan
Siguraduhin mo munang meron kang paninindigan
Patunayan mong may dapat kang patunayan
Ligawan mo siya upang iparamdam ang tamis ng pagmamahalan
At hindi upang ipalasap ang pait ng pusong nasasaktan
Bago ka may ligawan
Malalim mo muna sanang pag-isipan
Dahil kapag nasaktan ang kababaihan
Nahihirapan na silang pumili ng panibagong pagkakatiwalaan
Pero nasa sa iyo parin naman 'yan
Bahala na kung 'di mo ako pakikinggan
Ang sa akin lang naman
"Wag mo na lang siyang lapitan
Kung hindi mo naman natatanaw na siya ay iyong makakasama sa kinabukasan
'Wag mo ng subukan
Kung 'di mo naman balak patunayang merong walang hanggan
Sa madaling salita kaibigan
'Wag na 'wag mo siyang tatangkaing ligawan
Kung hindi mo naman babalaking siya'y pakasalan.
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry Tagalog
PoesiaAll the Spoken came from our Page "Spoken Poetry PH." sariling gawa po namin ito and please po paki boto po ng aking new project! aabot po ito siguro ng 100+ pafollow and like ng aming page" SPOKEN POETRY PH" please subscribe to my youtube channel:...
