KALAYAAN, ATIN NA NGA BANG NATATAMASA?
na aking sariling komposisyon
Lumilipas ang panahon, magmula ng tayo'y nakalaya sa poder ng mga Espanyol,Hapones at Amerikano.
Alam kong karamihan sa atin ay kontento na sa kung anong klaseng pamumuhay at gawi ang mayroon tayo ngayon.
Ngunit minsan mo nabang naisip na kung ito nga ba ang kagustuhan ng ating mga bayani??
Na maging sunod-sunudan nanaman sa mga banyaga??
Na mawala ang kanilang mga sinakripisyo?
at makatulog nanaman ang damdaming pagiging makabayan?
Dugo laban sa Dugo
Pawis kapalit ng Buhay na punong-puno ng paghihinagpis
Walang karapatang magdesisyon at tumanggi dahil paghihirap ang iyong dadanasin bago kitilin ang iyong buhay.
Maging ang pangalan na MAHARLIKA ng bansa ay pinalitan na Pilipinas.
Mga datu at sultan ay pinagpapatay dahil sa ayaw magpailalim sa mga Espanyol
Ganyan kasaklap ang buhay ng ating mga bayani sa kanilang kapanahunan
Ngayon,ating makikita na unti-unti nanaman tayong sumasa-ilalim sa mga gahamang banyaga.
Nagiging alipin nanaman ang ating lahi
Inaapak-apakan ang ating pagkatao para sa kagustuhang kumita ng malaki upang gumanda ang buhay ng kanilang pamilya
Alam kong Wala pako sa hustong edad, ngunit alam ko kung anong sitwasyon ang mayroon ngayon.
Na mismong mga nasa katungkulan pa, angnagbibigay daan para muli nanaman maghirap at maangkin ng ibang bayan.
Kailangan pabang mag-sibalikan ang mga bayani?
Walang bang magkukusa na magpaka-bayani para sa perlas ng silanganan??
O kailangang muli nanamang gumawa ng Nobela para magising na ang natutulog na damdamin ng pagiging makabayan
-CG31
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry Tagalog
PoetryAll the Spoken came from our Page "Spoken Poetry PH." sariling gawa po namin ito and please po paki boto po ng aking new project! aabot po ito siguro ng 100+ pafollow and like ng aming page" SPOKEN POETRY PH" please subscribe to my youtube channel:...