Spoken Poetry 61

394 4 0
                                    

Paglisan ng iyong kaibigan

Isang paslit na maliit lumaking magiliw at makulit
Masiyahing tunay,ngiting hindi nakakaumay
Taglay ang gandang hindi raw nakakaumay,pero sa mata nya taglay ang inggit na hindi masilay Nasakanya na ang lahat kung titingnan ngunit di nila alam ang tunay na pinagdadaanan.

Si paslit ay lumaking masagana,na ngangarap at masaya
Sabi ay swerte sya sapagkat may ina’t amang maalaga talaga
Sa pighati ay karamay mo sya,sa pighati nya’ y siya lamang magisa. Nangangarap ng mataas para sa buong pamilya dahil sa pula ng iba naging puhunan niya.

Ngiting namumutawi sa bawat tawa at halhal nya,sayang madalas sa kanya’y iyong makikita Pagluha at pighati niya’y madalang lang makita sapagkat matatag at kinakaya pa nya Kasama mo sya sa saya at problema pero walang nakakaalam ng kanyang pinoproblema Nasanay sa mundo sya lang mag isa,ni kahit kanino di sya lumapit para sagipin sya.

Sa paglisan nya sa mundo nyo,ipagdasal nyong sasaya at makakahanap syang tunay na ligaya Sapagkat hindi nya iyon nagawang magisa
Sa pag ihip ng hangin,tatangayin ang kaibigan nyong magiliw
Aanudin ng tubig papunta sa mundo inaasam na ligaya.

-/Eancute 
/Kayeannmoog

Spoken Poetry TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon