"Kamusta ka?"
ni: Pinky Mae Martinez
Kamusta ka?
Yung mga luha tumigil na ba?
Yung sakit tila hindi na humupa
Ikaw na muling nagpapanggap sa madlaKamusta ka?
Ilan na nalinlang nang iyong mga ngiti?
Hanggang kailan mo itatago ang paghikbi
Hanggang kailan ka magkukunwari pag hindi na kayang ikubli?Kamusta ka?
"Okay lang?"
Kamusta ka!?
"Okay lang!"
Uulitin ko..Kamusta ka?
"Okay nga lang"
Paulit-ulit na salita
Pero hindi mo alam kung may katotohanan ba talagaKamusta ka?
Mga tanong na kaydali sambitin,
Ngunit ang hirap sagutin,
Kamusta ka nga ba?
Mukhang naeenganyo kang lokohin ang iyong damdamin
Pero ang iyong nagsusumamong mga mata'y ang dali basahinBakit ba tuloy ka pa din sa pagkukunwari?
Bakit hindi ka na lang maging totoo sa iyong sarili?
Subukan mo lang kahit sandali,
Huwag mong hayaang manatili ang sakit at galit sa damdamin mong hindi mapakaliBumangon ka!
Huwag mong hayaang lamunin ka ng lungkot at kawalang pag-asa,
Hindi 'yon rason para sumuko ka,
Bumangon ka!
At huwag kaligtaan na sa bawat gabi ay may umaga,
Kaya sa bagong umaga'y may panibagong sayaKaya sana..
Sa muling pagtangkaan kong kamustahin ka'y hindi na puno ng pagkukunwari ang lumabas sa iyong bibig,
Kun'di tuwa't saya na ang manatili sa iyong labi
Dahil iyon lang naman ang tangi kong hiling,
Ang maging totoo ka sa iyong sarili't mawala ang sakit na nakakubliAt sana..
Sa muling magtagpo ang ating paningin,
Sana..
"Ako naman ang iyong kamustahin, Kahit malabo mo yatang sambitin."
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry Tagalog
PoetryAll the Spoken came from our Page "Spoken Poetry PH." sariling gawa po namin ito and please po paki boto po ng aking new project! aabot po ito siguro ng 100+ pafollow and like ng aming page" SPOKEN POETRY PH" please subscribe to my youtube channel:...