Mahal, naaalala mo pa ba?
by:zyra mae motita
Mga pangako mo nung tayo'y magkasintahan pa.
Ang sabi mo, hindi moko iiwan
Mawala man ang buwan.
Sabi mo, nasa tabi lang kita
Kahit na ilayo ka nila.
Sabi mo, walang makapaghihiwalay sa atin
Pero itinigil din natin.
Hindi kaba nanghihinayang sa mga nawalang saya nung tayo pa?
O baka sayo'y may iba ng nagpapasaya.
Hindi mo ba natatandaan mga panahong ako'y iyong sinusuyo pa?
Sa dinami dami niyo, ikaw ang napili ko,
Nadala kasi ako sa mga katagang binitawan mo.
Mga pambobola na nauwi sa lambingan.
Mga lambingan na nauwi sa ibigan.
At ibigan na nauwi sa hiwalayan.
Napakasarap sa pakiramdam ng mayroong taong minamahal.
Ngunit napakapait dahil yung taong mahal mo,
Bigla nalang nagbago.
Akala ko magiging tayo hanggang dulo
Gaya ng pangako mo.
Pero nagkamali ako, maling mali ako.
Bakit ba kasi umasa ako na magtatagal tayo?
Sana pala'y nag isip muna'ko't di pinakinggan ang itinitibok ng puso.
Para hindi ako naguguluhan sa mga ikinikilos mo.
At para hindi ko narin hinahanap hanap ang mga yakap mo.
Aaminin ko.
Mahal,
Hindi parin mawala ang nararamdaman ko sa'yo.
Lubhang napakahirap kang kalimutan
Kahit na gustuhin ko man, di magawa, hindi ko kaya.
Sapagakat ikaw parin talaga, mahal parin kita.
Subalit alam kong bawal na.
Kaya heto ako,
Pilit na lalayo upang hindi na lumala pa.
At siguro kung gagawin ko'to sinta,
Makakalimutan na kita.
Makakalimutan ko na yung mga kilig na aking naramdaman nung tayo pa.
Mga kulitan na ultimo'y mag asawa'y
Naiingit sa ating kasweetan.
Pero bakit?
Bakit mo'ko iniwan ng hindi ko alam ang dahilan?
Maraming tanong ang bumabalot sa aking isipan.
Tulad ng katanungang,
Bakit yung taong mahal ko'y di tinupad ang kanyang pangako?
Bakit yung taong mahal ko'y iniwan lang ako sa malayo?
Sabi nila mas masakit mawalan ng kaibigan
Pero sa nararanasan ko ngayo'y,
Mas masakit mawalan ng ka-ibigan
Kaysa kaibigang kapag talikuran, plastikan.
Bakit ko ba kailangang maranasan ang ganitong suliranin?
Suliraning nagpapabigat sa'king damdamin.
Ngunit bago matapos ang tulang ito,
Nais kong magpasalamat sayo.
Dahil mula sayo'y natutunan ko,
Natutunan kong hindi magtiwala't umasa sa mga pangako.
Mga pangakong tulad ng iyo.
Mga pangakong napako.
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry Tagalog
PoesíaAll the Spoken came from our Page "Spoken Poetry PH." sariling gawa po namin ito and please po paki boto po ng aking new project! aabot po ito siguro ng 100+ pafollow and like ng aming page" SPOKEN POETRY PH" please subscribe to my youtube channel:...
