Problema sa Kasalukuyan
E. N. D_08
Layunin kung maging isang makata
Makatang tagapagmulat ng mga mata
Mata ng mga taong nabubulag na
Nabubulag na sa pagkalulong sa social media
Sa mabilis na pag usbong ng social media
Ay sya ring paglaganap ng samot saring problema
Problema ng mga taong walang magawa
Kundi ipagsigawan problema nila
Wala akong intensyong manghusga ng kapwa
Pero pagdating sa problema laging updated ang social media
Kahit na ang pamilya walang alam sa sa nangyayari sa buhay nila
Na animoy social media ang lunas sa problemang dinadala
Versre II
Sayong mga naaninag wag mo kaming husgahan
Marahil di mo alam ang aming nararamdaman
Dahil Hindi ikaw ang may problema at napagiwanan
Halos araw at gabi aming mga matay luhaan
Aming mga lungkot ay pilit na tinatakpan
Tinatakpan ng mga pansamantalang kasiyahan
Pilit na nagtatago sa isang pekeng katauhan
Para di mapaghalataan na kamiy mahina't walang laban
Nung kami'y umiiyak at napakabigat ng nararamdaman
Habang nagiisa at walang masuplungan
Social media ang aming naging sandalan
Sa kadahilanang malaya naming naibabahagi ang tunay na nararamdaman
Verse III
Sa social media wag labis na magpadala
Dahil ang totoong solusyon sa problema
At ang mahal na diyos at pamilya
Sa kanilay maging bukas ka ng ikay mamulat na
Ang mundo at puno ng mapanghusga
Na kung maganda ang iyong ginawa
Respeto at tiwala iyong makukuha
Kaya pagbabago at simulan na
Sabi nga sa lumang saliwikain
"Kung ano ang iyong itinanim at sya ring aanihin"
Sa maykapal tayoy laging manalangin
Upang tayoy ilayo sa problema at pagpalain
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry Tagalog
شِعرAll the Spoken came from our Page "Spoken Poetry PH." sariling gawa po namin ito and please po paki boto po ng aking new project! aabot po ito siguro ng 100+ pafollow and like ng aming page" SPOKEN POETRY PH" please subscribe to my youtube channel:...
