Spoken Poetry 60

757 3 0
                                        

Sa paglubog ng araw,
ay siyang pag litaw ng kalungkutan.
Sa pagbalot ng kadiliman sa kalangitan,
ay may takot na nagbabadya saaking isipan
Mga luhang patuloy sa pagtulo,
ay hindi mapigilan
Aking hagulgol na maririnig gabi-gabi
ay hindi matapos tapos
Aking isipan ay naglalakbay,
sa madilim na imahenasyon
Isang bangungot gabi gabi,
ang laging gumugulo sa aking gabi
Paano, haharapin ang isang gabing puno ng katakot-takot na
pangyayari?

Spoken Poetry TagalogMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon