M O B A P L A Y E R 😊💓(spokenpoetry)
Ps:Request l
-
Sa ML nalang ba ako sasaya?
Sa ML ko nalang ba mararamdaman ang ligaya?
Sa ML ko nalang ba mararanasan ang oras at atensyon na gusto kong makuha? Sa ML ko nalang ba mararanasan kung pano maging mahalaga?
Oo ginoo't binibini, tama ang inyong nabasa
Pero sa tingin ko'y mali ang inyong akala
Isang akong makatang manlalaro
Ng online games, hindi ng puso
Para sa inyong kaalaman
Hindi lahat ng manlalaro'y ganyan
Di lahat ng manlalaro, nangdudurog ng puso
Di totoong mas pinahahalagahan namin ang laro kesa sa inyong puso
Mali lang ang inyong pagkaka husga
Na porket manlalaro, manloloko na
Kaya karamihan sa manlalaro walang lovelife eh
Akala niyo kasi samin nang iiwan sa ere
Kaya karamihan sa amin mas pinipiling maglaro
Umiiwas sa pagmamahal upang ligtas ang puso
Inilalaan lahat ng oras sa paglalaro
Kesa mahulog sa taong di ka manlang masalo
Kaya siguro, oo ang sagot sa mga tanong ko
Moba nalang ang magpapasaya sa puso ko
Sa ML kasi walang sakit na mararamdaman
Defeat man sa laban
Marami ka namang matutunan
Di sa lahat ng laro, ikaw yung mananalo
Minsan kailangan mo ring tanggapin na ika'y matatalo
Pero sa kabila nito, alam mo sa sariling mong lahat ay ginawa mo
Upang ipaglaban, protektahan at depensahan ang base mo💚
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry Tagalog
PoetryAll the Spoken came from our Page "Spoken Poetry PH." sariling gawa po namin ito and please po paki boto po ng aking new project! aabot po ito siguro ng 100+ pafollow and like ng aming page" SPOKEN POETRY PH" please subscribe to my youtube channel:...