All the Spoken came from our Page "Spoken Poetry PH." sariling gawa po namin ito and please po paki boto po ng aking new project! aabot po ito siguro ng 100+ pafollow and like ng aming page" SPOKEN POETRY PH"
please subscribe to my youtube channel:...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
TINIKMAN TAPOS INIWAN - Juan Brixter Tino
Parang kending iniluwa Parang lollipop na idinura Itinaob mo ako at inilubog Matapos mong sakyan ang aking bangka
Parang tsokolate na dinurog Parang prutas na hinulog Tila banana cue na tinapon Matapos na matuhog
Hinayaan kong tikman mo ang nakahain sa aking hapag Hinayaan kong lasapin mo ang aking putaheng nakalatag Hinayaan kong iyugyog mo ang umuuga kong papag Ngunit bigla kang umalis Matapos mong makalampag
Hinayaan ko ang palad mo na sa akin ay gumapang Hinayaan kong haplusin mo ang aking balakang At sipsipin bawat katas ng aking sinigang Kaya't tuluyang tumabang Dinilig mo nga ang disyerto Ngunit iniwan mo ring tigang
Isa ka palang gahaman Na hayok sa katawan Ang habol mo lamang ay laman Nilasap mo ako at tinikman At bigla mo ring iniwan