Spoken Poetry 23

2.2K 4 0
                                        
"Hinaing ng Pusang Itim"

Walang araw na hindi masakit ang katawan ko,
Dahil sa hampas at tadyak ng mga tao.
Kesyo malas daw ako dahil sa itim kong balahibo,
Palagi na lang ako ang pinagbibintangan na nag nakaw ng ulam sa kaldero.

Samantalang nasa gate palang ako, pinaghahampas na nila ko ng walis tambo.
Bakit ganyan kayong mga tao?
Ano bang kasalanan nagawa namin sainyo?

Bakit niyo kami ginaganito?
Dahil ba sa itim naming balahibo?
O iniisip niyong kaming mga pusang itim ay isang multo o engkanto,
Na nag katawang pusa para saktan kayo.

Nakakalungkot lang isipin na sa likod ng kabutihang nagawa namin sainyo,
Gaya ng pang huhuli ng dagang nagnanakaw ng ulam niyong pinirito–
Ay isang hampas, tadyak, balibag at saksak ang igaganti niyo.

Hindi lang sa'ming mga itim ang balahibo, maging sa puti rin ay ginagawa niyo ito.
Mas doble nga lang sa'ming mga pusang multo o engkanto KUNO,
Ang tanging gusto lang naman namin ay kalinga niyo.

Kaya sanay wag niyo kaming ginaganito,
H'wag rin kayong matakot dahil sa itim naming balahibo.
Hindi naman kasi kami isang multo, gaya ng iniisip niyo.

Kami ay isang pusa,
Nagkataon lang na iba ang balahibo namin sa kanila.
Kaya sana sa munting tulang ito ay inyong isa puso–
Na kaming mga pusang itim o gala,
Ay naghahanap lang ng isang kalinga gaya ng isang Ina–
At hindi ang ulam niyong nasa lamesa.

—Gray"Hinaing ng Pusang Itim"

—Gray

—Gray

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Spoken Poetry TagalogMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon