Spoken Poetry 25

2.1K 17 1
                                    

Isinulat ni: Trishia Nicole Barba

Isa sa mga salitang kanyang binitawan
Tayo ang pag-asa ng ating bayan
Tayo ang gigising sa mga kapwa kabataan
At tayo ang magtatapos nitong laban

Ang bawat paghihirap ay ating tatapusin
Ang laban sa buhay ay ating padadaliin
Ang kapwa ay ating aakayin
At ang mga pangarap ay ating tutuparin

Tayo ang inaasahan ng mga bayani
Sila ang nagsakripisyo at tayo ang umani
Sapagkat naniniwala sila na sa bayan tayo ay magsisilbi
Sa bayan tayo ang magwawaksi

Sila ay nagbuwis ng kanilang buhay
Na umaasang balang araw ang bayan ay muling magkakakulay
Sila ang nagsilbing ating mga tulay
Patungo sa inaasam nating tagumpay

Gumising ka aking kababayan
Mulatin ang sarili at sabihin ano ang iyong nasisilayan
Gumising ka kapwa ko kabataan
Patunayan nating di sila nagkamali na tayo ay asahan

Hindi ito isinulat para kabataan ay sisihin
Hindi ito sinulat para kabataan ay gisahin
Ito ay isinulat upang bawat isa sa atin ay gisingin
Ito'y sinulat upang bilin nila ay ating tuparin

Takbuhan man ay di pa rin matatakasan
Limutin man ay patuloy pa ring paaalalahanan
Ito ang ating tungkulin sa bayan
Kung kaya't dapat nating tugunan

Ikaw. Ako. Tayo
Tayong lahat ang babago sa mundo
Tayong lahat ang tatapos sa gulo
Tayong lahat ang magwawaksi ng lahat ng ito

Gising aking kapwa kabataan
Meron pa tayong ililigtas na bayan
Meron pa tayong dapat tulungan
At meron pa tayong patutunayan

Tayo man ay nasa modernong kapanahunan
Huwag nating kalilimutan na tayo'y mga kabataan
Tayo'y inaasahan ng ating bayan
Tayo ang pag-asa ng ating bayang sinilangan




Spoken Poetry TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon