Spoken Poetry 52

774 3 0
                                    

Simula ng ika'y aking masilayan

Mga ngiti mong pangmalakasan

Yong tinig na di makawala sa aking isipan

Ay siyang tunay na di mapapantayan

Araw-araw kang sumasagi at gumugulo sa akin bago matulog

'Di malaman kung bakit ako nagkakaganito 

Ang tanging alam ko lang naman ay masaya ako sa tuwing ika'y aking nasisilayan

Gabi-gabi kong dinadala ang aking sarili maging ikaw sa lawak ng aking imahenasyon,

Pilit pinapahaba at nilalagyan ng happy ending, kahit alam kong napaka imposible sa reyalidad

Ilang beses ko mang subukan na ako ang iyong magiging beast at ikaw ang aking maging Beauty, ngunit papalapit palamang ako sayo'y lalayo ka na agad. 

Sinubukan ko namang pigilan kung bakit ako nagkakaganito tuwing nasa harap ka,

Ngunit sadyang nagkakaroon yata ng kanya kanyang isipan ang bawat parte ng katawan ko.

Pinilit ko namang mag salita ng maayos at pigilan ang pamumula ng aking muka ngunit sadyang nilalagyan mo ng hiwaga ang aking katawan

Masarap humanga, sa mga taong alam mong pupunan ang kulang sa'yong buhay ngunit mahirap umasa na kabaliktaran lamang ang sinasabe ng damdamin niyo!!

Siyang tunay, na hiwaga ng pag-ibig na kahit sino'y pwedeng maging sugatan kong hindi ka magiging wais. 

Kaya sa lahat ng mga taong may hinahangaan ingat lang baka ikaw na yung susunod na sugatan!

Spoken Poetry TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon