Spoken Poetry 66

369 3 0
                                        

Itong tulang ito ay para sa mga taong patuloy na naglilingkod sa bayan sa kabila ng nagbabadyang panganib ay nagawa nilang makipagsapalaran upang makatulong at maagapan ang sakit na sumisira sa kinabukasan ng bawat isa

ang tulang ito ay pinamagatang kong;

Mga Bayani ng Makabagong Henerasyon

Bukod sa mga mga Magulang,na naging kaagapay natin sa pang araw-araw

Maging sa mga guro, na walang sawang nagbibigay ng bagong kaaalaman sa atin

Ay mayroon pang mga taong pwedeng tawaging bayani, sila ang mga taong inaagapan ang krisis na nangyayari sa kasalukuyan

Sila ang mga taong nagiging ugat ng pagmamahal sa bayan, ang mga taong walang ibang ginawa kundi makapag lingkod at makatulong sa kapwa

Ang ating mga frontliners, sila ang mga taong matatawag nating mga bagong bayani, Bayaning magbibigay ng magandang simula at halimbawa, na siyang aanihin ng mga susunod na henerasyon

Subalit

Puyat,Pagod,at Gutom ang kanilang tinitiis para sa atin, ngunit diskriminasyon ang ating ibinabalik, samo't saring masasakit na salita ang kanilang natatanggap, mga pandidiri na baka daw may dala silang sakit na nakakahawa

Maraming bagay ang gumugulo sa kanilang isipan para panghinaan ng loob, ngunit pinipilit maging positibo upang hindi biguin ang bawat tao

Mga mahal nila sa buhay ay inaantay ang kanilang araw-araw na pagbabalik, pagbabalik na napakalabo dahil sa pagresponde sa mga nangangailangan

Sila ang mga taong hindi kailanman inisip ang sarili, bagkus ang mga taong higit na nangangailangan, 

Mahigit isang buwan na ang nakakalipas, madami nadin sa kanila ang binawian ng buhay, ngunit ang sakripisyong iyon ay magmamarka sa isipan ng bawat isa na may bayani pa pala sa kasalukuyan

Kung ang mga bayani noon, ang mitsa ng rebulosypn sila ngayon ang mitsa ng pagmamahal sa kapwa at bayan

Sila ang mga Bayaning, hindi matatawaran ang sakripksyo at pagmamahal sa bayan, Sila Ang mga bayaning hindi gumamit ng dahas para makamtan ang kanilang hangarin

Mapalad tayo dahil wala tayo sa kanilang sitwasyon, kaya't hindi natin alam ang hirap na kanilang dinaranas, kaya't sana'y tayo ang maging sandalan nila sa sandaling pasuko at hindi na nila kaya 

Nawa'y bigyan natin sila ng lakas na kung saan magpapatatag sa kanilang sarili

At bago ko tapusin ang tulang to nais ko lamang mag-iwan ng salitang makapagbibigay kakintalan sa isipan ng bawat tao na makakarinig at makakapanood nito na, "Hindi lahat ng bayani ay nakatala sa kasaysayan, ang iba pa ay nagsisilbi para sa bayan"

Spoken Poetry TagalogMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon