Tula
Maria Kristel Iraula
May mga lalaki pa kayang marunong pa gumawa ng tula?
O nasanay na sa messenger video call nalang matamis magsalita.
Makukuha ang babae dahil sa galing ng dila, lumikha ng kasinungalingan kunwari'y mabait ang mukha.
Asan na sana ang katulad ni Jose,
Magaling gumawa ng talata hindi ang lumikha ng bata.
Ung ipaglalaban ka sa bawat salita,
Hindi ung tatakbuhan ka pag tapos ng lumikha.
May lalaki pa kayang marunong gumawa ng tula? Yung buong damdamin nila binuo.
Hinulma ng buong isip at puso,
Sa panahong masaya man o malungkot ang pagkatao.
Sa tula nalang dinadaan para makuha ang babaeng talaga namang ginugusto.
My kagaya pa ba ni Balagtas?
Magaling sa tugma, Magkaparehong tunog na salita.
Mapapangiti ka na lamang pag ikay nagsimula na magbasa,
Puso moy magagalak sa bawat sulat ng mga letra.
Mahirap na maghanap sa mga ganitong panahon, Lalaking marunong gumawa ng mga tula sa ngaun.
Mabibilang nalang sa mga daliri ngayun,
Marunong magbasa, with facial expression.
Minsan nalang din ako gumawa ng tula,
Dahil akoy nakalimot na. Maganda gumawa pag ikaw ay nag iisa,
Maraming pumapasok sa isipan lalo pag ikaw nalulungkot na.
Sweet kaya pag may lalaking marunong gumawa ng tula at sayo'y ipapabasa nya.
Sa bagong panahon ngayun ng mga dalagang Pilipina.
Mga bagong Maria Clara na sa social media nalang nakausap ang mga sinisinta.
-credits to our spoken poetry writer!
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry Tagalog
PoésieAll the Spoken came from our Page "Spoken Poetry PH." sariling gawa po namin ito and please po paki boto po ng aking new project! aabot po ito siguro ng 100+ pafollow and like ng aming page" SPOKEN POETRY PH" please subscribe to my youtube channel:...
