Binubuo palang, tinitibag na
by: zyramaemotita💕
Mahal akala ko ba strong tayo?
kahit ilang beses nang-iwan at lumayo
Buong buo ka paring tinanggap ng puso
Mabuo lamang muli ang salitang TAYO
Kasarian aking nilantad sa lahat
Unti-unti, relasyon nati'y aking isiniwalat
Sakanila ika'y aking ipinaglaban
Kahit relasyon natin, tayo'y pilit pinagbabawalan
Noong ika'y muling nagbalik
Akala'y nagsisisi at muling nasasabik
Maibalik ang ating relasyon
Kaya't ang lahat ay pilit kinalimutan
Lahat ng paghihinagpis at sakit
Sa aking isipa'y iwinaglit
Mga masasayang ala-alang pinagsaluhan
Muling itinatak sa isipan
Relasyon nating sinimulang muli
Ay sadyang mahirap buuing muli
Sapagkat mahirap lumaban mag-isa
Relasyong mabubuo, ako lang umaasa
Dahil binubuo ko palang ang relsyon nating muli
Iyo namang patagong tinitibag ng paunti-unti
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry Tagalog
PoetryAll the Spoken came from our Page "Spoken Poetry PH." sariling gawa po namin ito and please po paki boto po ng aking new project! aabot po ito siguro ng 100+ pafollow and like ng aming page" SPOKEN POETRY PH" please subscribe to my youtube channel:...
