Spoken Poetry 33

1.4K 8 0
                                        

WAG KANG MAG MAHAL NG TODO
Wag kang mag mahal ng todo kung alam mo naman na hindi ka nya kayang mahalin at seryosohin ng totoo
Salitang lagi kong sinasabi
Salitang lagi kong inuulit-ulit
Salitang lagi kong pinipilit gawin at unawain
Oo hindi lahat ng tao manloloko pero hindi rin maiiwasan na masaktan ka sa taong akala mo seryoso
Salitang seryoso at totoo na lagi kong iniisip kong totoo nga ba ito
Gusto ko nang kalimutan ang salitang ito pero paano kung anjan ka pa sa tabi ko
Sa tabi ko na nag papaalala ng bawat salitang bumubuo sa isip ko
Salitang seryoso at totoo pero bakit pa nga ba? Para saan pa ba? Na paniwlaan ang bawat salita na yan kung alam ko naman na wala naman tayong dalawa
Salitang alam ko naman na hanggang kaibigan mo lang ako at hanggang dun lang wala nang iba
Antanga ko diba kasi pinipilit ko lang na isipin at paniwalaan ang salitang seryoso at totoo kahit alam ko naman na mag kaibigan lang tayong dalawa
Ang hirap pala,ang hirap palang masaktan ng nag iisa,habang ikaw masaya
Masaya na hanggang ganto lang tayong dalawa
Pinipilit alisin,pinipilit kalimutan,pinipilit wag masaktan sa bawat salita mong binibitawan
Salitang "mahal mo ako"salitang paulit ulit gumugulo sa isip ko
Salitang tinatanong ko
Tinatanong ko sa sarili ko kung totoo nga ba ito?my kahulugan nga ba ito sayo?
Ayoko na pagod na ako kung isa itong laro sigi ako na ang talo at ikaw na ang panalo
Kaya isang araw,isang araw na nag kita tayo na ikaw masaya habang ako puno ng kaba
Nag tanong ako "mahal mo ba talaga ako o sinasabi mo lang yan para malibang mo lang ako "
Sa pag kakasabi kong ito pakiramdam ko tumigil pati mundo
At nang mag salita ka na,hindi ko akalain na masasaktan ang damdamin ko
Salitang nag palungkot at nag paluha sa mga mata ko na "KAIBIGAN MO LANG AKO AT WALA NG IBANG KAHULUGAN PA ITO"
"PATAWAD NASAKTAN KITA NG TODO"salitang huli mong binigkas at sinabi sa tabi ko
At ng matauhan ako sinabi ko na sana kung kaibigan lang tingin mo sana yun lang pinaramdam mo ng hindi ako umasa at naging tanga na akala ko merong tayo
Sa akala kong seryoso at sa akala kong taong mamahalin ako ng totoo
SANA HINDI NALANG AKO NAG MAHAL NG TODO SA TAONG AKALA KONG MAMAHALIN AT SESERYOSOHIN AKO NG TOTOO.
.

Walang tayo pero nasasaktan ako"..
Kaibigan molang ako diba?.
Alam ko naman yon eh,.
Alam kong hanggang kaibigan lang talaga ako para sayo.
Alam kong walang tayo,
Pero nasasaktan ako, nasasaktan ako
Kong nakikita kitang may kasamang iba
Nasasaktan ako kapag sinasabi nilang may nagkakagusto sayo.
At alam mo kong bakit nasasaktan ako?
Nasasaktan ako kasi mahal kita..
Mahal na mahal kita kahit na isang
Kaibigan lang ang papel ko sa buhay mo.
Pero sa lahat ng sakit na naranasan ko?
Mas masakit isiping balewala parin ako sayo.
Oo, walang tayo pero nasasaktan ako?!.
Nasasaktan ako.
Oo, sinabi mong mahal mo ako pero bilang kaibigan mo, yan naman ang totoo diba? . Kaibigan molang ako, kaibigan molang ako
Siguro panahon narin para sabihin ko sa sarili ko na. .
"Tama na nasasaktan kana,.
Sapat na ang ilang beses na umasa ka huwag monang dagdagan pa masasaktan kalang" Oo, walang tayo pero susuko na ako
Susuko na ako kasi di kona kaya ang sakit
Susuko na ako kasi wala namang patutunguhan tong nararamdaman ko sayo. Kasi kaibigan molang ako at walang tayo.

Spoken Poetry TagalogMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon