Chapter III

100 3 3
                                    

Soo's POV

"Okay na ko! Bookstore gaja?"

"eo."

Habang naglalakad kami, hindi ko maintindihan pero paulit ulit na nagpplay sa utak ko yung kanta nila. Hindi mawala wala.

"Han,"

"Oh?"

"Ano yung.. Yung ano."

"What? ano ka ng ano diyan. Ituloy mo kasi! Hahahaha" Tawa niya sakin.

Tsk magtatanong ka lang Soo. Ba"t ba hirap na hirap ka?

"Aish! Yung title ng kanta kasi kanina sa shop! Yung sa Got7!"


Napatungo nalang ako pagkatapos ko I Blurt out yon. Soo, Nagtanong ka lang ng title ng kanta.

It's not a big deal. That's it.

Hindi pa rin ako maka tingin sa kanya habang naghihintay ng sagot.

Pero bakit parang ang tagal niya ata sumagot?

Inangat ko ang tingin ko sa kanya't nakita kong nakatitig siya sakin ng hindi kumukurap na akala mo eh milagro ng magtanong ako sa kanya ng title ng kanta.

"Huy!" Tawag ko sa kanya

"Waaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhh!!!!!!!! OMG eonniiii!! Did you just got interested with Got7??! Oh my gooodd!!" Tili niya.

"Ugh. You're annoying. Nevermind. Wag na."

Minsan talaga iniisip ko kung tama bang kinaibigan ko to eh. Lol Just kidding. Kahit ganyan ka weirdo yan, Importante sakin yang taong yan. Di ko nga lang alam kung ramdam niya. 🤷‍♀️

"Eeeeehhh Miracle! Miracle yung title nung song eonni!"

"Tsk tara na. Bagal mo."

"Hehehehe, Pero eonni, I reresearch mo sila?" Dumire direcho lang ako ng lakad at hindi na siya pinansin. Paka ligalig eh.

"Eonni! Eonni!"

Binilisan ko lalo ang lakad para hindi siya makahabol. Pagdating namin sa bookstore, Dinala ako ng mga paa ko sa parteng hindi ko inisip na daanan o silipin man lang mula nung mangyari yung bagay na yon.

Huh, Soo. Wala ka nga sa sarili mo. Haha, Korean books? "Ya, Eun Soo Ah, mwohago issni? (what are you doing?) " Bulong ko sa sarili ko.



Ha Na's POV

Iiiiie, kinikilig ako!! Hahaha, She asked me the title of Got7's song! It means interested siya! Diba? Diba? 🙌🙌

I was just following her when she turned to the shelves na never kong inexpect na titingnan niya.

"Ya, Eun Soo Ah, mwohago issni?" Rinig kong bulong niya sa sarili niya.

My heart felt relieved. 🙂

Lumingon siya sa akin bigla kaya nagpanggap akong walang narinig sa sinabi niya.

"San ka galing? Tagal mo." Inip na sabi niya sakin.

"Hehe, Nagmuni muni lang eonni, ito naman. sungit mo! Tara na nga!" Sabay cling ko ng arms ko sa kanya.


Bubuksan niya na ba ulit yung puso niya para sa Korea? Para sa mga tao dun? Para sa lugar na pinanggalingan niya? Because if that's the case, I'll be the very first person to be really happy for her. My best friend has been through a lot before I even me her. And opening herself to Korea and Korean people means she's starting to move on. Forget about her painful past. And if that day comes, pwede na kong bumalik.

Pwede na kaming bumalik.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Soo's POV

At the end of the day, yung paghahanap ko ng libro eh nauwi sa pag gogrocery.

Naalala ko nanaman nung pauwi kami kanina habang nasa sasakyan.

**Flashback**

"Haayy, work nanaman tomorrow. Napublish na yung latest story na ginawa natin diba?" Tanong niya.

"Yup. Last two weeks pa."

"Eh bakit hindi pa nila tayo binibigyan ng feedback and results?"

"I'm not really sure but I heard may meeting tomorrow eh."

"I see. Nga pala, Napag isipan mo na ba yung offer ni Boss?"

"Alin?"

"Diba she wants us to publish a book in hangul na pedeng i entry sa branch natin sa Korea?"

"Nagbigay na ba si boss ng deadline para sa desisyon natin?" Tanong ko sa kanya. Kasi baka mamaya sagot ko nalang pala ang hinihintay nila diba?

"Hindi naman, naalala ko lang. Pili lang kasi kayong writers na inofferan nun."

"That's because iilan lang ang marunong mag korean sa work natin."

"Well you have a point. Pero sayang parin. Okay, ganito nalang, Since I was offered the same thing, If you accept it, I'll do too. :) Hindi ako magdedesign ng librong hindi mo gawa. 😋"

"Don't pressure me. Pag iisipan ko nga. Green light na ano ba." Sagot ko sa kanya.

"Ay shit."

** End of Flash Back **

Nakarating kami sa bahay at napalit ng comfy clothes dahil mamaya, magluluto na ko ng dinner. Pero habang pumapatay ako ng oras, hindi ko mapigilang isipin yung offer at yung grupong yon.

Bakit ba ganon ang epekto nila sa akin? Hindi ko alam but I just found myself searching them on the internet.

Nalaman ko yung mga bagay bagay tungkol sa grupo nila. Kelan nag debut, Under ng anong company, Nationalities since I knew they're known as a "multinational group" At hindi ako makapaniwalang umabot ako sa pagsesearch ng birthdays, ideal types and even ex girlfriends.

Bakit ko ba ginagawa to!! Bakit sobrang interesado ko sa inyo?! Lalo na sayo?! Ugh. This is so not me.

At hindi pa ko nakuntento dun, sinimulan ko na ring magsearch ng music videos nila na hindi na rin ako nahirapang intindihin.

Ang hindi ko maintindihan ay yung epekto ng boses niya sa'kin.

Kayang kaya niyang pakalmahin ang sistema kong bigla biglang nagwawala ng dahil rin sa kanila. Wah.

Soo, Hajima. Magkagusto ka na sa lahat wag lang sa ...

Pigilan mo.


Pinatay ko yung computer ko at nahiga nalang ulit. Pinilit kong alisin sila sa utak ko at nag isip nalang ng kung anong genre ng susunod na libro kong isusulat hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala 'ko.



__________________________________________


End of Chapter III

The first few chapters will be these two girls.

Wait lang kayo. Lalabas na sila soon 😉

Hindi ko alam kung talagang may nagbabasa ba nito pero still, Thank you ❤

🤞🤞🤞🤞🤞🤞🤞


I Am Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon