Chapter VII

64 2 2
                                    

Jae Min's POV

"Wait for me there."

She just stared at me and turned away.

Actually, aware naman ako sa tingin ng mga tao sa  paligid ko. Hindi ko lang iniintindi. Hindi naman nila 'ko kilala eh. And, I really used to date girls before. Take note. BEFORE. I've been in love with Soo since God knows when so yes, I admit. I may look like an asshole to you guys pero ang hirap lang kasi.

Ang hirap na nakikita mo yung mahal mong pinagdadaanan yung mga bagay na hindi niya naman deserve na maranasan pero wala kang magawa kundi panoorin lang siya sa malayo dahil kahit ako, hindi ko rin alam kung paano aayusin ang sarili ko. 

Gusto ko siyang mahalin ng buo at tama kaya unti unti ko nang inaayos ang sarili ko para maging mas karapat dapat ako sa kanya.

Paano ko nakilala si Soo?

We were on the same High School. She doesn't know me at all. But I do. 

She was the bubbly type of person. 

She's always smiling, always greets everyone whether she knows them or not, 

She's just so friendly. 

I remember, She once greeted me in the hallway when I was going to the library. Hindi ako yung tipong pansinin nung High school dahil medyo may pagka nerd ako. Typical nerd with the thick glasses and braces. But she still noticed me and greeted me. Hindi ko alam kung natatandaan niya pa pero ako, That was the day I started to get interested to her. Everyday I was hoping na mapansin niya ako and I didn't fail.

Everytime na magkakasalubong kami, she always smiles at me which made my day. 

My High school life got better because of her. And I'm so thankful.

Naisip ko non, Hindi man masaya sa bahay pero napupunan yon ni Soo tuwing pumapasok ako sa School. 

I am a victim of child abuse. Sa tuwing umuuwi ako sa bahay at andun yung asawa ni mommy na step father ko, he uses that time para saktan at abusuhin ako. Sampal  dito, Suntok doon, Sabunot dito, Sipa doon. Yun ang routine namin sa bahay. Hindi alam ni mommy yun nung una. Hindi ko masabi sa kanya dahil palagi niyang sinasabi sa'kin na sasaktan niya si mommy pag sinumbong ko siya dito. So I didn't have a choice but to stay silent until one day nakita ni mommy yung mga pasa ko. She tried to touch me pero iniwas ko yung sarili ko. Dun ko narealize na may trauma na ko. We went to a Psychologist and they confirmed that I have it. Hiniwalayan ni mommy yung step dad ko and I went for treatments. 

Then one day I decided to go to Soo's house para makita lang siya. Stalker na kung stalker pero oo, alam ko ang bahay niya at dun ko nasaksihan kung pano siya tinalikuran ng mommy niya kasama ang mga kapatid niya. 

She cried so hard that I wanted to comfort her but I don't know how. Ni hindi ako mahawakan ng kahit na sino gawa ng trauma ko. Nakaupo lang siya sa labas ng bahay nila habang kinakausap siya ng babae pero iling at iyak lang ang sinasagot niya dito. Nung mga panahong yon, narealize ko, gusto ko nang gumaling agad para magawa kong damayan at yakapin siya pag kailangan niya ng taong masasandalan. 

Hinintay ko siyang bumalik sa loob ng bahay bago ako umuwi pero hindi niya ginawa. Instead sumakay siya sa sasakyan nung babae at umalis so naisip ko, baka icocomfort niya lang si Soo pero hindi.

I went to get treated and kept on coming back to her house to look after her. Pero wala na kong nakikitang Soo. Hanggang sa gumaling ako ng tuluyan. Sinubukan ko siyang hanapin pero wala.

Years passed and hindi ko parin siya nakakalimutan. I dated girls pero hanggang dun lang. No deep relationships. Hindi kasi siya mapalitan.  

Hanggang sa binisita ko si Mommy sa work. She used to be a writer. And that's the reason why she's now the boss of the company Soo and Hana is working for. And that's where I found her. Again. 

I Am Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon