Chapter LV

42 2 2
                                    


Soo's POV


Paglapag palang ng ebidensya sa harap ko, hindi na nawala ang paningin ko sa bracelet na yon.

Hinding hindi ko malilimutan yon dahil hindi lang ako isang beses nasilaw don sa bracelet na yon sa tuwing tinatamaan ng liwanag. Pinuri pa iyon ni Hana isang beses dahil sa istura non na hindi mabibili ng kung sinong tao lang. 

It's a diamond bracelet after all.

Hindi ko lang lubos maisip na kaya niyang gawin yon. 

Wala pa mang kasiguraduhan dahil maaaring hindi lang siya ang mayroon non pero kung siya man, 

Bakit?

Wala naman akong matandaang masamang ginawa sa kanya.

I believe I treated her well during her internship since under ko siya.

Hinintay namin si dad matapos makipag usap sa secretary niya kaya nung ibinaba niya yung phone, lahat ng atensyon ay napunta sa kanya.


"She said she didn't come to work yesterday and today. I'll go there with the investigators to check." 

"We'll be back with an update Ms. Eun." Tumango tango naman ako sa kanila.


Natahimik kami nung makalabas sina dad at nagpaiwan naman si mommy dito.


"Oh my god eonni. How can she do that? We've been nothing but nice to her!" Hana

Hindi ko rin alam.

"Han, we're still not sure if it's really her. Let's wait for the investigators to conf-" Bigla niyang pinutol ang sinasabi ko. 

"Ayan! Ayan ka nanaman! Anong napala mo sa 'I believe there's something good in that person' mo ha?! Where did that get you? Ha?! Dito! Sa ospital!" Inis na sabi niya.

Nakapikit siyang huminga ng malalim saka muling tumingin sakin.

"Eonni, I'm not saying na wag kang maging mabait. What I'm trying to say is think about yourself first. Ayaw naming may mangyari ulit na ganito dahil baka sa susunod, Baka sa morgue ka na namin puntahan. Naiintindihan mo ba ako?"

"Kim Ha Na!" Mark. Alam kong hindi niya nagustuhan yung narinig niyang sa susunod ay baka sa morgue na nila ako puntahan.

"What?! Tell me. Mali ba'ko?" Hana

"Hyung, tama si Hana. Gusto niya lang sabihin na wag masyadong magtiwala si Soo sa ibang tao dahil hindi naman natin alam yung intensyon talaga nila." Jinyoung.  Tumango tango naman yung iba. Kahit si Mommy.

"Babe, They're right. We have to be more careful okay? But for now, let's wait for their update. Let's calm down." Mark


At yon nga ang ginawa namin. Nagpaalam si Jinyoung at Yugyeom na maglalakad lakad muna bago bibili ng makakain dahil nababagot na daw sila dito. Si Youngjae at Jaebeom naman, nakatulog sa tig isang couch.  Si Hana at Bam nasa kabilang kama, Si Mark, andito sa tabi ko, umiidlip at si mommy naman ay umuwi saglit para sunduin yung dalawa. Hapon palang kaya talagang inantok sila. Siesta time ba.

After 30 minutes, wala parin kaming natatanggap na tawag mula kina dad.  Nakatulog na ang lahat pwera sakin kaya ako lang din ang nakakita sa nakabusangot na mukha ni Jinyoung at tatawa tawang si Yugyeom nung makabalik sila dito.

I Am Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon