Chapter XLIII

33 2 2
                                    

Soo's POV

Hahahaha! Ngayon, alam ko na kung anong makakapagpabadtrip sa isang Mark Tuan. Hahaha!

Kahit inis na inis siya, alam kong nakasunod siya saming tatlo. Bakit alam ko?

Dahil kanina pa siya sigaw ng sigaw sa likod namin. 


"Hoy! Bitawan niyo asawa ko! Utang na loob!!!"

"Ano ba!! Hindi na 'ko natutuwa!"

"Love naman.."


At dahil nga nakakatakot 'daw' magalit ang tahimik, Sobra nang nag aalala tong dalawang bata sa tabi ko. Hahaha

"Noona , Nakakatakot magalit si hyung, incase lang naman  na hindi mo alam." Nag aalalang paalala ni Yugyeom.

"Hahaha! Akong bahala sa inyo. Pag inaway kayo, sabihin niyo sakin."

"Sabi mo yan noona ha." Youngjae. 

Hahaha!


Nang makarating kami sa kabila, 

"Uy, eonni! Tagal nyo ah?" Salubong samin ni Han.

"Si Mark oppa?" Nginuso ko naman yung likuran. Yung dalawa, dumirecho sa kitchen para makigulo malamang.

"Hyung! Anyare sayo?  Para kang pinagsakluban ng langit at lupa." Bambam

"Hahahaha!" Hindi napigilang tawa ni Han.


Dumirecho kami sa dining area at nakitang nakaupo na dun si Youngjae at Yugyeom na naka peace sign sa hyung nila. Hindi naman natinag ang isa at talagang tumigil sa entrada ng dining area habang masamang nakatingin sa dalawa.

"Wag niyo kong pinag kakausap ah. Mainit talaga ulo ko ngayon." Nakasimangot na sabi niya sa lahat ng nasa dining room. Wala pa yung dalawang babaeng kasama nila kaya sinundo ni Jinyoung ng hindi iniintindi ang hyung niya.

"Baket? Kinakausap ka ba ha? Inarte mo diyan?" Jaebeom

Hahahahaha Basag. Tsk Tsk. Mark Tuan

Naupo ako sa tabi ni Hana at hinayaan siyang magtantrums don. Nilagay ko nalang ang phone ko sa upuan na nasa tabi ko para sa kanya. 


"Ano bang topak niyan?" Tanong ni Hana.

"Nabitin." Bulong ko sa kanya.

"O.O" Hana. Natawa naman ako sa reaction niya. Painosente. As if naman hindi pa nila ginagawa ni Bam yon. Hahaha I doubt.

"Eonni..." Tawag niya ulit sakin

"Hm?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

"You're not joking?" Umiling iling naman ako.

"Nabitin nga? Seryoso? Totoo?" 

"Kim Ha Na."

"Wah~ Waaaahh~"

"Hahaha, hindi ba kapanipaniwala?" tanong ko sa kanya.

"OO! HINDE!" Sigaw niya kaya nagulat ako.

"Hoy! Anong Oo Hinde? Hindi na nagtutugma mga pinagsasasabi mo ah?" Jack

"Ano ba Jack."

Nung dumating sina Jinyoung, nagyaya na si leadernim.

Nakalimutan ko na ang boyfriend kong nakatayo parin sa entrance dahil sa kwentuhan namin kaya ngumuti ako sa kanya at niyaya siyang umupo sa tabi ko pero inirapan niya lang ako at umupo sa empty chair kasalungat ko. . .

I Am Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon