Chapter V

72 2 0
                                    

Hana's POV

"Huy! Okay ka lang ba?"

Break time na namin and andito kami ngayon sa mall to eat lunch pero etong kasama ko, kanina pa lutang.

"Eonni." Tawag ko sa kanya.

......

"Eonni!"

"Oh? Bakit?"

"What the hell, kanina pa kita kinakausap. Feeling ko may kausap akong wall dito jusko." Reklamo ko sa kanya. Totoo naman kasi. Naiintindihan ko naman siya pero kasi sobra naman yung para na siyang walang kasama sa sobrang tahimik niya.

"Mianhae, Ano ba yon?"

"Tinatanong kita kanina pa kung okay ka lang ba. And obviously, you're not."

"Ani, I'm fine. Iniisip ko lang kung pano sisimulan yung book na gagawin natin."

"Oh talaga ba? mga 5 hrs ka nang nag iisip ng concept? Ikaw ba talaga yan? Yung mga stories mo before, Isang bigay lang ng genre sayo, nakakatapos ka na ng draft ng Prologue til 3rd to 4th chapter. Anyare sayo ngayon?"

"Tsk, Hindi pwedeng mabobo minsan? Dapat laging may ideas? Tulog pa brain cells ko. Wag mo silang ginugulo." Sagot niya sakin.

"Ewan ko sayo. Kumain ka nalang."

Tinuloy niya na yung pagkain niya pero hindi ko rin maiwasan na mag alala sa kanya.

Alam kong mahirap sa kanya yung posibleng mangyari. She's one hell of a good writer. Siguradong pag natapos niya yung book, malilipat kami sa Korea and that's for sure. She's not the type that will sabotage the company because of her own issues. Kung sakin lang, Okay lang pero kasi siya, unti unti palang niyang binubuksan yung puso niya ulit sa Korea at sa mga tao dun. She's taking it slow pero mukhang dahil dito sa project na to, mabababaliwala ang pag dadahan dahan niya. Though nasa tabi niya 'ko at magkasama kami, nasa sakanya parin yun kung paano siya mag aadjust doon. Kaya sana, bago pa man matapos yung libro namin, Sana matanggap na niya ulit. Ayoko na ring makita siyang nahihirapan ng ganito.


Soo's POV

Kanina pa 'ko naiirita sa sarili ko dahil magmula pa kaninang umagapagkatapos ng paguusap namin nina boss, hindi na 'ko nakapag isip ng matino. Ni wala akong masimulan. Parang napakahirap isipan ng subject, setting at plot ng storyang gagawin ko.

My God Soo Ah! Libro parin ang gagawin mo. Iba lang yung lenggwahe pero libro at romance parin. Forte mo yan. Umayos ka! Hwait-

"Hey"

At habang chinicheer ko ang sarili ko, biglang may lumapit na tuleg sa table namin.

" Oh Jae, What's Up?" Tanong ni Hana sa kanya.

" Hi Soo! Hey Hana, Can I join you guys? If you don't mind?" Jae

"You're already sitting. Wouldn't it be rude kung sasabihin naming bawal kang umupo?"

"Wow. Just.. Wow."

Tiningnan ko lang tong weirdo na to.

"For over a year that I've known you, that's the longest sentence you have ever said to me." Sagot niya sakin

Hindi ko na siya inintindi at agad kong pinagsisihan na sinagot ko pa siya ng ganon. Tsk.


Hana's POV

Yes may asungot kaming kasama dito sa table.

Hyun Jae Min, He's the son of our boss and yes, halos isang taon na kaming kinukulit niyan lalo na ako.

I Am Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon