Bambam's POV
"Bam, Usap tayo." Jinyoung hyung
Hala. Bakit nakakakaba yung aura niya?
"Hyung, may problema ba?"
Dun niya ko dinala sa balcony ng apartment ko
"Ah, ano lang. Umamin ka nga sakin, Ang labo mo eh. Sino ba talaga gusto mo sa dalawa? Kasi sabi mo nung nakaraan, si Hana. Pero parang iba yung kinikilos mo eh. Sino ba talaga sa kanila?" Dire direchong tanong niya sakin.
Oh no.. Nakita niya yung sa kitchen kanina and he misunderstood niya yun.
Hmm.. Asarin ko muna kaya? Haha tingnan natin reaction.
"Hyung, kasi ano.."
"Ano?" Sabay lagok sa beer na hawak niya.
"Si Soo noona, I like her."
~
Jinyoung's POV
"Hyung kasi ano.." Paputol putol niyang sabi.
"Ano?" Pucha bakit ako kinakabahan? Sa kaba ko nilagok ko yung beer ko ng diredirecho.
"Si Soo noona, I like her." Nag aalangang sagot niya.
Natameme ako. Nagpantig yung tenga ko. Parang gusto kong manapak.
Ganito ko na ba siya kagusto para maramdaman kong lahat ng to? Ganito ba yung pakiramdam? Parang ayoko na. Nakakasira ng ulo.
PARK JINYOUNG, HINDI IKAW YAN. PULL YOUR SHIT TOGETHER.
"Ahh.. Si Soo? Akala ko ba si Hana?" Tanong ko sa kanya.
"Narealize ko lang kanina hyung. She's too likeable. Hindi siya pala salita but I find it special because I know there's a reason behind it. And i'm more than willing to figure it out."
Haha, akala ko ako lang nakakaramdam nun.
Kung iba siguro yung magkakagusto sa kanya, okay lang maging karibal eh.
Pero kasi si Bambam?
Ayokong magbago ang relasyon namin dahil sa babae.
I really like her pero mas importante sakin si Bambam.
I can't choose her over Bammy. And I wouldn't.
Mukha lang wala akong pakialam diyan pero meron talaga. Haha, hindi lang halata.
Pero sa nakita ko naman kanina, mukhang mapapasaya naman siya ni Bammy eh.
Ipapaubaya ko nalang siya sa kanya.
"Hyung, hyung, hyung!!!"
"Ay oh?"
"Hindi ka nakikinig eh. Sabi ko jo--" "Guys!" Biglang sulpot ni Jackson.
"Jack,"
"What're you guys doing here? Tara sa loob! We're going to play."
Sabay hatak saming dalawa papasok.
~
Soo's POV
Napagtripang naming maglaro ng spin the bottle daw para hindi boring.
Nagkakatuwaan dito nang mapasulyap ako sa terrace at nakitang bitbit bitbit na ni Jackson yung dalawa.
Si Bambam at Jinyoung.
Ba't andun yun?
"Okay guys! Kumpleto na tayo. Let's play!" sigaw ng pungok na to.
Katabi ko si Hana pero kanina pa tahimik to. Nakakapanibago.

BINABASA MO ANG
I Am Me (Completed)
Fanfiction(Got7 Fan Fiction 1) Posible nga ba? Kayong dalawa? Isang ordinaryong babae at isang idol? O talagang ' Idols are only meant for Idols?'