Soo's POV
So, This is it. The day has come.
Andito na kami sa lobby ng condo na pinag stayan namin for almost 2 years.
Andito rin yung mga kasama namin sa trabaho to bid farewell and good lucks to us na akala mo eh hindi na kami babalik.
Well, Babalik pa nga ba?
"Hoy ikaw naman Soo! Bawas bawasan mo na ang pagiging introvert mo nang magka jowa ka na!" Pagbibiro ni Lala sa'kin. Siya yung bading naming ka work. Okay naman din siya kasama. Haha, Pano ko nalaman?
Dahil Ms. Congeniality tong kaibigan ko. Lahat eh ginawang ka close at dinadamay pa'ko minsan. Hindi lang halata. Hehe
"Gaga, I don't need one."
"OMG Girl, Ikaw lang ata sa age natin ang ayaw pa rin mag boyfriend hanggang ngayon. C'mon! You're already 24! Nasa edad ka na!" Lala
"That's the thing! I'm only 24! I'm still young! Hahahaha"
"Wait! Pasingit muna. La! Sino ba kasi yung sinasabi mong maghahatid satin sa airport?" Hana
"Malapit na yun! Wait ka lang! Taeng tae lumipad?? Anyways, Soo! Bakit ba kasi sa dinami dami ng nanliligaw sayo eh wala mn lang pumasa kahit isa?" Tanong niya sa'kin
"Bakit? Kilala mo lahat sila? Ha?"
"Oo!! Majority sa kanila! Sakin kaya sila humihingi ng tulong no!"
"Leche ka. At feeling mo naman may worth it don? E para sayo, pag gwapo worth it na."
"Oo, Meron!"
"Wah. Who? Sige nga!" Hindi talaga titigil tong baklitang to eh.
"Papa Jae! I think he's worth it. "
"Who?"
"Pap-"
"ME. Hindi mo na nga ako binibigyan ng chance, hindi mo pa sinabi sa'kin na aalis na kayo. Kung hindi pa kita hinanap kina Lala, hindi ko pa malalaman."
"Eh?"
"At bakit mo kailangang malaman aber? Boyfriend ka? Boyfriend ka?" Sabat ni Hana
" Grabe. Hindi mo naman kailangang ipamukha. Alam ko naman. Wag mo nang i double dead yung puso ko." Pagdadrama niya.
At nagulat nalang ako ng bigla niya kong yakapin.
"Ya. Mwohanya? (Ya, What are you doing?)" Sinubukan kong itulak dahil masyado siyang malapit.
"Please Soo. Just stay still. Ngayon lang."
Kaya wala na kong nagawa.
Wala na kong nagawa kundi pakinggan nalang yung mga bagay na binubulong niya sakin kahit hindi ko ibinalik yung yakap na binigay niya sakin.
"Hindi ko alam kung bakit Soo. Pero this time, Sana paniwalaan mo ko. I like you. I really do. And I can't help myself but I'm falling in love with you. Yung mga pangungulit ko sayo? Yun lang kasi ung paraan para makuha yung atensyon mo kahit pa iritang irita ka na. Ikaw naman kasi. Ayaw mong buksan yung puso mo sa ibang tao. But I just want you to know na hindi parin ako titigil. I won't give up on you. Susunod ako dun at liligawan ulit kita. Cassanova, Playboy, Hindi marunong magseryoso, Yun man ang tingin mo at ng ibang tao sa'kin pero alam ko, Alam ko sa sarili ko at alam ng puso ko na ikaw lang ang tinitibok at ititibok nito. Hindi pa kasi ako buo. Pero sa susunod na pagtatagpo natin, Sisiguraduhin kong buong puso ko nang ibubuhos at ipapakita sayo ang totoong nararamdaman ko. So by that time, I'm hoping that you'll believe me then."
![](https://img.wattpad.com/cover/183377230-288-k369847.jpg)
BINABASA MO ANG
I Am Me (Completed)
Fanfiction(Got7 Fan Fiction 1) Posible nga ba? Kayong dalawa? Isang ordinaryong babae at isang idol? O talagang ' Idols are only meant for Idols?'