Mark's POV
Nahiga siya sa kama nung umorder ako kaya nang matapos ako, tinabihan ko siya at saka niyakap.
Mamimiss ko ng husto tong babaeng to.
Pero naiintindihan ko naman na kailangan niya ng oras para sa sarili niya at ayusin ang mga gumugulo sa isip niya.
At pipilitin kong maging andun para sa kanya palagi kahit pa malayo kami sa isa't isa.
Nakatalikod siya sakin nang yakapin ko siya. Hinawakan niya ang braso ko saka humarap sakin.
Muli ko siyang niyakap.
"I thank God for you." Sabi niya saka ngumiti.
Hindi niya alam kung gano niya ko napasaya sa sinabi niya.
Hinalikan ko siya sa noo at muling tiningnan sa mata.
"I'm more thankful for meeting you. You changed my perception in life and made me realize how lucky I am to have everything with me. From my family, career, friends, you. I really love you. And I'm your family now so don't you ever think that you're alone in this world again because YOU. HAVE. ME." sabi ko sabay kalbit sa tungki ng ilong niya.
Nakita kong maluluha nanaman siya kaya hinalikan ko ulit siya sa noo.
"You just made me want to hate everything that happened today."
"W-what? Why?" Nagulat ako sa sinabi niya. Ayaw niya ba sa mga sinabi ko?
"Kasi sa pagkakataong to, gusto na kitang mahalin pero dahil sa mga nangyari? Kailangan ko pang lumayo at mag isip kung pano ko ihahandle ang lahat ng to. Gusto ko nang hayaan yung sarili kong mahalin ka pero at the same time, ayoko pa dahil hindi pa ko buo. Gusto ko, pag minahal kita, yung buo na ko. Walang problema, walang issues sa buhay. Kasi ayokong madamay ka sa pagkalugmok ko. Gusto kitang mahalin ng buo at malaya dahil yun ang deserve mo. Ayaw kitang masaktan dahil sa mga issues ko sa buhay kaya I'll take my time to heal, and I'll come back to you." Sabi niya saka nagsumiksik sa dibdib ko.
Gusto ko mang maiyak dahil sa sinabi niya ay pinigilan ko.
"I'm willing to wait for you my love. Even if it will take months or years, I'll wait for you. Hanggang sa ikaw na mismo ang magsabing mahal mo rin ako at hindi mo kaya ng wala ako sa buhay mo."
"I promise it won't take years. I can't wait that long to be with you." Pagbitiw niya ng mga salitang yon.
And again, I saw my favorite smile of hers.
*tsup* I kissed her for the second time in the lips.
*tsup* And the third
"I love you." *tsup* and the fourth.
"Hoy! Nakatatlo ka agad! Hindi pa man kita sinasagot, abusado ka na."
"Hahaha"
"First kiss ko yun e. TT"
"Ani, that's your 2nd, 3rd and 4th."
"Mas marunong ka pa sakin e. Ikaw ba yung hinalikan? Ha?"
"Mas marunong ka pa sakin e. Ikaw ba nanghalik? Ha?" Balik ko sa kanya.
do.Ob
"MWO?"
"Hehehehe, Hindi pala kayo nagkikiss ni Jinyoung?"
"P-Paanong N-nangyaring?..."
"I kissed you when you were sleeping. Nung nakatulog ka kina Bam after mo mag rant about Jinyoung."
BINABASA MO ANG
I Am Me (Completed)
Fanfiction(Got7 Fan Fiction 1) Posible nga ba? Kayong dalawa? Isang ordinaryong babae at isang idol? O talagang ' Idols are only meant for Idols?'