Chapter XLIV

39 1 0
                                    

Soo's POV


"Love, Wake up." Nagising ako sa panggigising sakin ni Mark.

"Hmm." Sagot ko para ipaalam na gising na'ko.

"Wake up. It's lunch time." 

"Eonni!! Gising na! Kain na tayo."

"Eto na nga! Bakit ka andito?" tanong ko sa kanya.

"Sinusundo kayo. Aba, tara na"

Tumayo ako at naghilamos. Pagkatapos ko, nakita ko si Hana na nagiikot ikot.

"Woi."

"Ah, eonni, ang dami mo na ding gamit e no? 5 Months lang yon ah?" tanong niya nung makita niya yung mga paintings pati yung ibang figurines.

"Yung ibang paintings, nakasabit na talaga nung kinuha ko 'tong bahay. Yung iba, binili ko. Pero lahat ng figurines diyan, binili ko."

"I see."

"Ladies let's go?" Mark

"Okay! Kaja!"


Magkakasabay kaming naglalakad papunta sa kabilang rest house habang nag kkwentuhan.

"Saan tayo kakain?" tanong ko.

"Sa backyard. Sa may pool area." Hana

"Sino nagluto?" tanong ko ulit.

"Boys.'' Sagot niya.

"Really? Bakit hindi mo sila tinulungan?" tanong ko kay Mark.

"Hoy, Eun Soo Ah. Mapagbintang ka. Tumulong ako. Kanina pa kaya ako gising. Hindi lang kita ginising kasi ang sarap ng tulog mo."

"Ay ganon ba? Hahahaha, malay ko ba." Pumasok kami sa loob at dumirecho sa likod. Nakita kong pineprepare na nila yung table habang yung dalawang babae, nakaupo sa lounger sa poolside, naguusap.

"Okay girls, at dahil kaming boys ang nagluto at naghain, kayo ang maghuhugas." Jaebeom habang naglalagay ng baso sa table. 

"Oo naman."  Sagot ko sa kanya.

"Kaja, Kain na!" Yaya niya sa lahat.


Nagkanya kanya kaming pwesto at nasa pagitan ako nina Mark at Hana. Sa kabisera si JB at Yugyeom. Sa tapat  namin, sina Jinyoung at ang katapat ko.. 

Si Wendy na hindi ko na din tinapunan ng tingin. Hindi dahil galit ako kundi dahil medyo may ilang parin sa pagitan naming dalawa. Ayoko ng may ganitong pakiramdam dahil kahit snob ako at cold sa paningin ng ibang tao, hindi ako sanay ng may ka-ilangan o may galit sakin. Besides, wala naman din akong sasabihin sa kanya e. So as much as possible, gusto kong normal ang maging takbo ng lunch na to.

"Babe, Kain na." Sabi niya paglapag niya ng side dish sa harap ko.

"Mm. Gomawo." Nginitian ko siya saka nagsimulang kumain.

"Love," tawag ko sa kanya saka nginuso ang plato ko. Natawa naman siya saka isa isang kinuha ang bell peppers na nilagay ko sa gilid ng plato ko. 

Napansin naman iyon ni Yugyeom.

"Woi hyung, ang dami daming pagkain kinukuha mo pa yung kay noona." Napatingin kami sa kanya.

"She doesn't eat bell peppers. Bakit ba?" Sagot niya kay Gyeom.

"Ay talaga noona? Bakit naman? Healthy kaya to." Tanong niya saka sumubo ng isang piraso. I just shrugged. 

"Ewan ko. Ayaw ko ng lasa e. Besides, I eat all kinds of vegetables except this. Hehe, ayos lang yon"

I Am Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon