Erinmay
First meet
Napabuga ako ng hangin. Naupo muna ako sa bakanteng upuan malapit dito sa HR. Medyo nangangalay kasi ang paa ko kakatakbo at lakad dahil sa mga inuutos sakin.
Kanina pa ako pabalik balik at wala pang pahinga mula kanina. Maglalunch na at ito ako hingal na hingal sa ginagawa kong lakad-takbo para lang madali akong matapos. Utos dito, utos doon.
Natataranta na nga ako kung sino ang uunahin ko sa kanila. Pirma dito, pirma doon. Mga ilang floor pa kaya ang tinatahak ko marating lang ang ibang department. Busy kasi ang lahat at pressured dahil nandito pa ang may ari, kaya lahat busy sa kanilang ginagawa.
Ganito pala ang trabaho ng isang clerk assistant. Walang pahinga. Kahit sino lang ang mag uutos ng mas mataas sayo. Katatapos ko lang nga ipasign itong withdrawal slip na gagamitin ng maintenance department. Dadalhin ko pa doon na nasa second floor pa.
Gagamit nalang ako ng elevator para mas mabilis akong makarating doon.
Jusko po!
Nandito ako ngayon sa fourtenth floor at ilang palapag pa ang ilalaan ko makarating lang doon sa ibaba. Tiyempo naman marami ang sakay sa elevator kanina kaya ang labas ko ay gumamit ng hagdan.
Hay. Buhay nga naman. Sana naman hindi na puno ang elevator.
Kukuha pala ako mamaya sa office supplies ng uniform ko. Hindi kasi ako naka uniform dahil pinaduty agad ako ng HR, mamaya ko nalang daw kunin ang uniform ko. Deducted from my salary daw ang payment.
Medyo mahal pa naman ang uniform. Medyo naiklian din ako sa skirt dahil hanggang hita ba naman ang haba. Kulay gray ang skirt na may slit sa magkabilang gilid. Kulay white naman ang blouse na mayroon scarf at pinarisan ng kulay gray ding jacket. Wala naman pili sa sapatos basta close shoes na kulay itim.
No choice ako kundi ang sumunod sa patakaran. Kahit hindi ako sanay sa maikling mga damit.
Tumayo na ako at huminga muna ng malalim bago ako lumakad. Lahat ng mga nakikita kong empleyado ay busy sa kani- kanilang ginagawa.
Malaki at malawak ang building na ito na halata namang mayaman talaga ang may ari. Ilang department kaya ang nandito? Dito din kasi ginagawa ang ilang materyales pang sasakyan. Iyong medyo madali lang matapos. Pero may sarili daw itong pagawaan na hindi ko alam kung saang lugar.
Nang makarating ako ng elevator ay tinanong ko si kuya Beny, ang elevator boy. Sosyal pati elevator ay may taga assist din. Bakit hindi, eh may pambayad naman ang may ari at tsaka pang hanap buhay din iyon. Makakatulong sa nangangailangan.
"Kuya Ben, marami bang sakay?" Napalingon ito sakin at napailing.
"Ay, ikaw pala uli, Ms. Sakto wala nang tao." Napangiti ako sa sinabi ni kuya. May pinindot siya sa button at siya namang bukas ng pinto ng elevator.
Pumasok kami ni kuya at pinindot nito ang second floor nang sabihin kong doon ako pupunta. Hindi naman boring dahil nagkukwentuhan kami ni kuya Beny about sa trabaho at sa kompanyang ito.
Almost nine years na palang elevator boy si kuya at malaki daw ang naitulong sa kanya. Dahil nabubuhay na daw nito ang pamilya at napapaaral ang mga anak.
Medyo malaki din kasi ang sweldo at kaya nang ibuhay ang pamilya. Malaki din ang pasasalamat nito sa kompanya at sa may ari na tinanggap ang katulad niyang hindi nakapag- aral.
Nagulat din ako nang malaman na ang ibang mga employees daw dito ay hindi nakapag aral at hindi tapos ng kanilang pag aaral ay tinanggap ng kompanyang ito. Dahil lahat naman daw ay pantay pantay basta ang mahalaga ay magaling at dedicated ka sa iyong trabaho.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:1- Lock in his Arms
General FictionConrado Hunstman. Son of a mafia lord "Walang ibang lalaki ang aangkin ng katawan mo kundi ako lang! Tandaan mo iyan!" Mapanganib na banta mula sa binatang Hunstman. Ang binatang baliw at handang pumatay makuha lang ang walang kamuwang na dalaga. An...