Chapter twenty four

74.1K 1.8K 31
                                    

Erinmay

Mysterious Letter

Pumasok ako sa loob at nakita si Ate na naghuhugas ng mga plato. Lumingon siya ng mapansin ako pero natuon na ang kanyang pansin sa likod ko.

"Ah Ate may kasama po akong kakilala. Makikiinom lang siya ng tubig." Agad akong kumuha ng baso at nilagyan ng tubig.

Nakita ko naman ang nakalahad na kamay ni Miguel kay Ate at nagpakilala pa ang lalaki.

"Hi Ate. I'm Miguel po. Nice to meet you Ate na maganda." Pinandilatan ko nalang siya ng mata nang mapatingin siya sa'kin. Si Ate naman ay nahihiyang tinanggap ang kamay ni Miguel matapos siyang magpunas ng kamay.

"Ako naman ang Ate Tina ni Erinmay. Kinagagalak din kitang makilala." Lalo pang namula si Ate nang hagkan pa ni Miguel ang kamay niya. Paporma din pala ang isang ito. Hanep sa babae pati ang Ate ko inaakit sa kagwapuhan nito. Nambola pa ang magaling!

"Sige po Ate. Sa labas lang kami!" Agad kong hinila sa braso niya si Miguel. Baka magtagal pa dito ang lalaki at makita pa ni Kuya. Baka kung anong isipin nun. Buti nalang maunawain si Ate Tina. Ligtas ako sa kanya.

"Hey! Nagpapakilala pa nga ako sa Ate mo Erinmay." Binigay ko sa kanya ang basong may tubig. Gusto pa yata niyang mabasag ang gwapo niyang mukha?

"Sabi mo iinom ka lang ng tubig? Ayan na ang tubig mo. Uminom ka na at umalis!" Pagtataray kong sabi na pinamewangan siya.

Umiling iling nalang siya na uminom ng tubig. Agad ko din iyon kinuha mula sa kanya at sumenyas na lumabas na siya ng bakuran.

"Wala bang kiss?" Pahabol nitong wika nang akma na siyang aalis.

Nilahad ko sa kanya ang baso.

"Ikiss mo ang baso!" Malakas lang itong tumawa na kinailing ko. Baliw talaga.

Pumasok nalang ako at tinulungan si Ate Tina sa paglilinis ng bahay. Nilagay ko muna sa silid ko ang rose na nilagay ko sa isang baso at nilapag sa ibabaw ng kabinet ko.

KAHAPUNAN ay pasado alas singko na ako nakarating ng eskwelahan. Napahimbing kasi ang tulog ko dala ng pagod sa paglilinis.

Pagdating ko ay naghihintay na sa labas ang mga pamangkin ko. Nagtaka pa ako ng makitang may bitbit silang tig-iisang paper bag.

Lumapit ako at sakto namang nakita nila ako na kumaway pa sa'kin.

Nakakunot noong tinanong ko si Mirasol.

"Kanino galing ang mga iyan Mirasol?" Turo ko sa paper bag.

"Nanay Erinmay, binigay po ng isang lalaki. Ito din po para daw sa inyo." Mas lalong kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi.

Kinuha ko ang mamahaling paper bag at agad iyon binuksan.

Mga imported na chocolates at perfumes ang laman ng paper bag.

"Natandaan mo ba kung anong itsura niya Mirasol? Matangkad ba at Maputi iyong lalaki?" Nag-isip naman si Mirasol at inaalala ang nagbigay nito sa kanila.

Hunstman Series #:1- Lock in his ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon