Chapter thirty two

79.1K 1.9K 114
                                    

Conrado

Enemy

Maingat akong umalis sa kama at pinagmamasdan ang mahimbing na pagtulog ng aking asawa. Yeah. Soon to be my wife. Hinalikan ko siya sa kanyang noo pababa sa kanyang labi. Hinalikan ko din ang maumbok niyang tiyan. I didn't expected that we will having a quadruplets. I'm salute to myself for the best shooter ever.

Sinuot ko ang aking jacket at sinukbit sa likod ko ang aking baril. Lumabas ako at sumakay sa kotse at mabilis na lumabas ng aking bahay. Nagbilin lang ako sa mga Bodyguards na magmatyag ng maigi sa paligid if ever there was an intruder. Binilinan ko din na bantayan ang kanilang Maam Erinmay. I wanted my wife to be safe always ngayong dalang dala niya ang mga anak namin.

Fuck! Makakapatay ako ng tao kapag may mangyaring masama sa kanila. They don't know yet how Conrado Hunstman get angry. So beware of me!

May tumatawag sa cellphone kaya sinagot ko iyon. Si Dad.

"Yes Dad?"

"Where are you?"

"I'm on my way."

"Okay." Iyon lang at ini-off na niya ang kanyang cellphone. Binilisan ko pa lalo ang aking pagmamaneho patungong hide-out. Ilang sandali lang ay bumaba na ako at nagtungo sa loob. Dinig na dinig ko ang hiyaw ng mga tarantado.

"Dad!" Tinapik lang niya ako sa balikat habang nakaupong tumatanaw sa mga gagong inambush kami noon ni Erinmay. Isa sa mga may sala ay ang hambog na si Sanchez. Ang gagong nanakit noon kay Erinmay.

Lumapit ako kay Sanchez at bigla siyang sinuntok na kinagulat niya. Kaya sapul sa mukha. Kasabay ng marahas kong paghigit sa kanyang sentido.

"Sino ang nag-utos sayo para patayin ako huh!?" Ang lintek tinawanan lang ako kaya sinakal ko ang leeg niya na kinandaubo nito sa kawalan ng hangin. Tutuluyan ko na ang lintek na'to.

"Son, that's enough. May paraan para umamin siya." Kalmadong pahayag ni Dad bago siya may isinenyas sa mga tauhan.

"Maawa kayo samin pakawalan niyo na kami pakiusap! Huwag niyong sasaktan ang mga anak ko!" Nagmamakaawang sigaw ng babae na hawak ng mga tauhan ni Dad habang may yakap itong dalawang batang lalaki at babae.

Asawa at mga ni Sanchez. Hindi sana aabot sa ganito kung nagsabi lang agad ang gagong Sanchez na alam namin ni Dad na may mas mataas na nag-utos sa kanya para patayin ako at muntik ikapahamak ng mahal kong si Erinmay. Hindi ko hahayaan mangyari iyon. Dumaan muna sila sakin. At sisiguruhin kong magbabayad ang taong iyon. Buhay niya ang kapalit sa pagtangka sakin.

"Maawa kayo huwag ang pamilya ko!" Galit na hiyaw ni Sanchez na nagpupumiglas makawala para puntahan ang mag-ina niya. Wala naman kaming planong saktan ang pamilya niya. Pinapain lang namin para umamin siya. Matigas kasi ang ulo kaya umabot pa sa ganito.

"Mamili ka. Katotohanan o buhay ng pamilya mo?" Nakangisi kong hinarap ang nanggagalaiting si Sanchez.

"Mga hayop kayo! Papatayin ko kayo oras na makatakas ako dito! Kayong mga Hunstman ang una kong papatayin!" Mas lalo akong ngumisi ng nakakatakot sa kanyang banta. Sinenyasan ko ang isang tauhan na ilapit sakin ang anak nitong lalaki.

Hunstman Series #:1- Lock in his ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon