Erinmay
Gone
Dahan dahan kong inalis ang mga kamay ni Conrado na nakayapos sa'kin. Kanina pa ako gising habang siya ay nakatulog muli dahil sa aming ginawa. Inangkin na naman niya ako at ilang beses at nagpaubaya lang ako sa bawat naisin niya.
Walang ingay na umalis ako ng kama at napatigil lang saglit nang umungol siya. Napahinga ako ng maluwag ng hindi siya nagising at umiba lang ng posisyon. Napadapa siya sa kama pero ang kamay niya ay nakayakap sa unan na nilagyan ko. Hubo't hubad akong umalis sa kama at kita ko ang mga markang iniwan sa'kin ni Conrado.
Paika-ika kong kinuha ang mga nagkalat kong damit at agad iyon isinuot. Kahit malagkit ang katawan ko ay hindi na ako maglilinis pa dahil kailangan ko nang makaalis agad dito.
Ayoko nang madagdagan pa ang kasalanan ko. Sapat na sa'kin na sa kanya ko naibigay ang pagkabirhen ko. Sapat na nagpa-ubaya ako dahil sa pagmamahal ko sa kanya.
Ayokong sumira ng isang relasyon kahit pinapatay ang puso ko ay kailangan ko na itong pigilan hangga't kaya ko pa. Hangga't kaya pa ng puso ko.
Hindi niya ako mahal kaya walang rason na manatili pa ako sa kanyang tabi. Isa lang akong pampalipas oras niya.
Isang Secretary at isang Boss ay hindi kailanman maaaring magsama.
Inayos ko rin ang mga nagkalat niyang damit at nilagay sa ibabaw ng lamesa.
Naluluhang pinagmasdan ko siya sa huling pagkakataon. Ang mukha niyang may ngiti habang natutulog siya ay masarap pagmasdan. Siya lang ang tanging lalaking mamahalin ko.
Inayos ko ang sarili ko bago lumabas ng pinto. Isang sulyap pa ang ginawad ko kay Conrado.
Paalam Conrado.
Tinatahak ko ang mahabang pasilyo ng bigla akong mapahinto.
Nahihiyang napayuko ako ng makakasalubong ko si Mr. Colorado at mga Bodyguards niya.
"Where are you going? Where's Conrado?" Napaangat ako ng tingin at kinakabahang nakatunghay sa kanya. Seryoso niya akong tinitingnan habang ang mga Bodyguards niya ay nakayuko.
May pagkapareho talaga sila ng mukha ni Conrado. Pati tangkad at tindig ay ganoon din. Naggagwapuhan ding mga nilalang. Pati yata ugali ay magkatulad din.
"N-nasa silid po niya Mr. Colorado." Todo kaba ang nararamdaman ko ng mapansin ang pagtaas ng kilay niya.
"Did he know you're leaving?" Umiwas ako ng tingin sabay tango sa kanya. Napariin ang kapit ko sa bag dahil sa kasinungalingan ko.
Hindi ko alam kung ano ang iisipin ni Mr. Colorado sa'kin. Siguro alam na niya kung ano ang ginawa namin ni Conrado kagabi at nahihiya akong kaharap siya ngayon matapos na din ang nangyari nung kahapon.
"Don't try to escape. He will find you wherever you go." Natigilan ako sa katagang iyon ni Mr. Colorado. Sa pakiramdam ko ay isang iyong pagbabanta na hindi ko dapat gawin.
Nilagpasan na niya ako kasama ang mga Bodygaurds niya. Ako naman ay nagpatuloy sa aking paglalakad pero hindi mawaglit sa isip ko ang sinabi na iyon ni Mr. Colorado.
Escape? Hindi naman ako tatakas ah at wala naman akong tinatakasan. Kahit saan man daw ako pupunta ay mahahanap niya ako. Sino naman kaya ang tinukoy niya?
Natigilan ako sa paglalakad ng mapagtanto ko ang lahat.
Si Conrado kaya ang kanyang tinutukoy?
Pero sigurado naman akong hindi na niya ako hahabulin at nakuha naman niya ang kanyang gusto sa'kin. Kaya siya noon lumalapit at parang inaangkin niya na pag-aari ako ay para lang paghigantihan ako sa ginawa ko sa kanya nung unang kita namin.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:1- Lock in his Arms
Fiksi UmumConrado Hunstman. Son of a mafia lord "Walang ibang lalaki ang aangkin ng katawan mo kundi ako lang! Tandaan mo iyan!" Mapanganib na banta mula sa binatang Hunstman. Ang binatang baliw at handang pumatay makuha lang ang walang kamuwang na dalaga. An...