Chapter seventeen

82.8K 1.8K 77
                                    

Erinmay

His cellphone

Pumasok kami sa isang high class na restaurant dito sa loob ng isang five star hotel. Agad kaming inassist ng isang waiter nang makita kami o baka si Conrado lang dahil halang nirirespeto siya. Umakyat kami sa ikalawang palapag ng restaurant na sobrang ganda ng ambiance sa labas at pati na dito sa loob.

Iginaya kami sa isang lamesa na may dalawang tao nang naghihintay. Isang may edad nang lalaki na kagalang galang ang ayos at may bagsik ang kanyang presensiya. Habang sa kanyang tabi ay isang magandang babae na kulay blonde ang kanyang buhok. Mestiza at halatang may lahing banyaga. Matangkad din siyang babae at may class ang kanyang dating. Napaka sexy din ng kanyang damit na litaw na ang kanyang cleavage sa suot niyang damit na kulang yata sa tela.

"Mr. Natividad." Tawag pansin ni Conrado nang makalapit na kami. Agad silang napatingin kay Conrado na agad mababakasan ng paghanga sa mukha nung babae.

Sarap tirisin ng mga mata niya!

Agad nagkamayan ang dalawa habang nangangamusta sa isa't isa na halatang pakitang tao lang naman. Based on my observation.

"By the way, Mr. Hunstman. This is my daughter, Ericka. Newly comer from states and she wants to meet you in person—"

"Finally, nice to meet you, Conrado." Nagulat ako nang bigla niyang halikan sa magkabilang pisngi si Conrado na hindi man lang nagulat at hinayaan niyang halikan siya ng babaeng ito.

Babae na nga ang humalik, aayaw pa ba siya? Gusto niya yan!

Hindi man lang nila ako napansin. Kung hindi pa ako pinakilala nang lalaking ito sa mga kausap niya.

"And she's Erinmay. My Secretary." Sandali lang akong sinulyapan ni Mr. Natividad na agad kinausap si Conrado. Habang sinuyod ng kaharap kong babae ang katawan ko na nakataas ang mga retokeng kilay.

"Let's sit and order our food while dealing our business, Mr Hunstman."

"Sure." Confident sa sarili na pagkakabigkas ni Conrado sa salitang iyon. Always confidence naman siya sa kanyang sarili kahit saan pa siya dalhin.

Pinaghila ako ni Conrado ng silya na kinalundag naman ng puso ko, kaya naupo na ako. Kita ko naman ang masamang tingin sakin nung Ericka. Naiinis siya sakin, alam ko.

Sorry ka nalang. Ako ang pinaghila niya ng upuan.

May lumapit naman agad na waiter at binigyan kami ng tig-iisang menu na hindi ko naman alam ang oorderin ko. Wala akong alam sa mga ganitong pangrestaurant na mga pagkain.

Hindi na nga maipinta ang mukha ko sa kakapili kung ano ba ang swak sa panlasa ko. Halos lahat naman masarap. Wala naman silang menu na lutong bahay na mga pagkain. Iyon siguro may alam pa ako. Pero sa mga ganitong sosyal na kainan ay wala akong nalalaman.

Kung alam ko lang na lagi kami sa restaurant kakain ay nirisearch ko na agad sa Google.

Hirap ding basahin ang mga pangalan ng mga pagkain nato.

Nagulat ako nang biglang nawala sa kamay ko ang hawak kong menu. Nang tingnan ko kung sino ang kumuha ay nakita kong binigay iyon ni Conrado sa waiter na naghihintay. Ako nalang pala ang hinihintay nila.

Hunstman Series #:1- Lock in his ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon