Chapter twenty seven

76.9K 1.7K 43
                                    

Erinmay

Discovered

Paggising ko kinaumagahan ay napahawak ako sa aking labi. Pakiramdam ko kasi ay kumikirot iyong labi ko at kumapal. Parang kinagat iyong labi ko.

Napailing nalang ako at bumangon pagkatapos ay inayos ang kama ko.

Lumabas ako ng silid sakto naman lumabas si Kuya mula din sa kanilang silid.

Nagkatitigan kami at kimi akong ngumiti sa kanya.

"G-ood morning K-kuya.." Bati ko at nagulat nalang ako nang lumapit siya sa'kin at niyakap ako. Yakap na mahigpit. Nangilid ang luha ko nang yakapin din siya ng sobrang higpit.

Sobrang namiss ko ang yakap ng aking Kuya Lino. Walang makakapantay sa yakap ng isang kapatid. Napakainit din ng kanyang yakap sa'kin. Init ng pagmamahal.

"K-kuya ko!.." Parang bata akong iyak ng iyak sa kanya.

Nagbitiw siya pagkatapos ay nangingiting pinahid niya ang mga luha ko sa mukha.

"Napaka-iyakin mo talaga Erinmay." Ngumiti din ako sa kanya pagkatapos ay niyakap siyang muli. Maaliwalas na ang kanyang mukha na alam kong pinapatawad na niya ako.

"Natutuwa lang ako Kuya dahil pinansin mo na ako." Wika kong muli sa kanya. Sabi na ngang hindi niya ako matitiis.

"Patawad kung nasampal kita at pinagsalitaan ng masama. Nabigla lang siguro ako at nadala ng galit sa sarili ko nang hindi kita nagabayan." Tumango tango naman ako kay kuya.

"Patawad din po Kuya." Ani ko at mahigpit na hinawakan siya sa mga kamay niya.

"Buti naman at nagkabati na kayong magkapatid. Hindi ako sanay na hindi kayo nagpapansinan." Si Ate Tina na lumabas mula sa kusina.

Tumango kaming dalawa ni Kuya sa kanya at magkahawak kamay na pumunta ng lamesa.

Masaya kaming kumakain ng umagahan habang nagkukwentuhan. Umalis din agad si Kuya baka ma late pa siya sa kanyang trabaho. Ako man ay agad din inaya ang mga bata na naghahanda narin ng kanilang mga dalahin.

"Ate, alis na po kami!" Paalam ko sa kanya na mula sa labas. Alam kong naririnig naman niya iyon na naghuhugas ng plato sa loob.

Sumakay nalang kami ng tricycle ng mga pamangkin dahil sumasakit ang mga paa ko.

Pagdating namin ng school ay inihatid ko na ang mga bata sa kanilang mga silid pagkatapos ay lumabas na ako.

Naisipan kong magpalipas muna ng oras sa park na malapit dito kaya lumakad ako papunta doon. Pagkarating ko sa park ay iilan palang ang mga tao. Karamihan ay mga nag-eexercise. Mayroon nagyoyoga, nagjojogging, zumba dancing at iba pang physical fitness.

Naupo ako dito sa isang bench na malapit sa fountain. Pinapanood ko lang ang tubig na umaagos paibaba na mayroon mga swan na figurine. Malamig din ang simoy ng pang umagang hangin na tumatama sa mukha ko kahit mayroon ng araw.

Nagulat nalang ako ng may isang batang babae ang bigla nalang nagpakita sa harapan ko. May dala siyang isang bouquet ng mamahaling mga rose.

"Ate, para po sa inyo." Nagtaka ako ng nilahad niya sakin ang bouquet.

Hunstman Series #:1- Lock in his ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon